Seminary
Job 14; 19: “Nalalaman Ko na ang Aking Manunubos ay Nabubuhay”


“Job 14; 19: ‘Nalalaman Ko na ang Aking Manunubos ay Nabubuhay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Job 14; 19: ‘Nalalaman Ko na ang Aking Manunubos ay Nabubuhay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: Lesson 98

Job 14; 19

“Nalalaman Ko na ang Aking Manunubos ay Nabubuhay”

The resurrected Jesus Christ (dressed in white robes) standing at the entrance to the Garden Tomb. Christ is portrayed looking toward the heavens.

Maaaring mahirap makahanap ng pag-asa sa panahon ng mga hamon, kabilang ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay.Isinugo ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak upang isagawa ang Pagbabayad-sala, na natapos sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas mula sa libingan.Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, maaari tayong magkaroon ng pag-asa.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang pag-asa na nagmumula sa pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan o basahin ang mga titik ng himnong “Buhay ang Aking Manunubos.“Maaari silang pumili ng paboritong parirala mula sa himno na maaaring magdulot ng pag-asa sa isang taong dumaranas ng mga paghihirap.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan

Ipakita ang sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ito sa maliliit na grupo.

  • Ano ang ilang pangyayaring masasabi ng mga tao na pinakamahalaga sa kasaysayan ng tao?Bakit?

Ibinahagi ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) ang sumusunod:

Head and shoulders portrait of Ezra Taft Benson

Ang mga pinakadakilang nangyari sa kasaysayan ay yaong may epekto sa pinakamaraming tao sa napakahabang panahon.Batay sa pamantayang ito, walang ibang kaganapang higit na mahalaga sa mga tao o bansa maliban sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon.(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson [2014], 110)

Pagnilayan sandali ang nalalaman ninyo tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at kung bakit mahalaga ito sa inyo.Maaari din ninyong isipin kung bakit maituturing na pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.

Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan sila na mas maunawaan ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo at ang pag-asang maidudulot nito.

Mga tanong ni Job

Kung itinuro mo ang Lesson 97: “Job 1–3; 12–13,“ maaaring ibahagi ng mga estudyante ang naaalala nila tungkol sa mga pagsubok ni Job.O maaari nilang basahin ang sumusunod na talata.

Si Job ay isang mabuting tao na nakaranas ng matitinding pagdurusa.Nawala ang lahat ng ari-arian niya, namatay ang lahat ng 10 anak niya nang maguhuan sila ng isang bahay, at dumanas siya ng matinding sakit sa katawan.

  • Ano ang mga maaari mong itanong kung kayo si Job?

Basahin ang Job 14:7–14, at markahan ang dalawang tanong ni Job nang maghanap siya ng pag-asa sa kanyang mga paghihirap.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pag-unawa sa tanong ni Job sa talata 10, maaari mong ipaliwanag na tinatanong ni Job, “Saan tayo pupunta kapag tayo ay namatay?”

  • Kailan mo narinig o natanong ang gayon ding mga tanong?

Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano nila sasagutin ang mga tanong ni Job.

Para makita kung paano nila masasagot ang tanong ni Job sa talata 10, maaaring i-cross reference o iugnay ng mga estudyante ang talata 10 sa Alma 40:6, 11–14.Ipaliwanag na itinuro ni propetang Alma ng Aklat ni Mormon na pagkatapos nating mamatay, ang ating mga espiritu ay mananahanan sa kalagayan ng kaligayahan o kalagayang kakila-kilabot hanggang sa Pagkabuhay na Mag-uli.

Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano sila maaaring tumugon sa tanong ni Job sa talata 14.Habang nag-iisip sila, maaaring basahin mo o ng isang estudyante ang sumusunod na pahayag.Bilang alternatibo, maaari mong ipanood ang “ “Until We Meet Again,” na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 0:00 hanggang 2:28.

3:40

Si Arthur Patton, na isa sa mga kaibigan ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) sa kanyang kabataan, ay napatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ibinahagi ni Pangulong Monson ang kanyang karanasan sa pagbisita sa tahanan ni Arthur matapos marinig ang balita:

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

May dalangin sa aking puso, tinahak ko ang pamilyar na landas patungo sa tahanan ng mga Patton, na nag-iisip kung anong nakaaaliw na mga salita ang maaaring magmula sa mga labi ng isang bata.

Bumukas ang pinto, at niyakap ako ni Mrs. Patton na tulad ng pagyakap niya sa sariling anak. …

[Matapos magkasamang manalangin], tumingin si Mrs. Patton sa aking mga mata at nagsabing: “Tommy, wala akong kinabibilangang simbahan, pero ikaw ay mayroon.Sabihin mo sa akin, mabubuhay bang muli si Arthur?”(“Mrs.Patton—Ang Karugtong ng Kuwento,” Liahona, Nob 2007, 22)

Isipin kunwari na kayo ay nasa sitwasyon ni Pangulong Monson.Sa inyong study journal, sumulat ng maikling talata para sagutin ang tanong ni Mrs. Patton.

Hikayatin ang mga estudyante na dagdagan ang naisulat nila habang patuloy nilang natututuhan ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

“Nalalaman ko na ang aking Manunubos ay nabubuhay”

Basahin ang Job 19:23–27, alamin ang sagot na ibinigay ni Job sa kanyang mga tanong.

  • Ano ang alam ni Job na totoo?

    Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang isang bagay na tulad ng dahil kay Jesucristo, tayo ay mabubuhay na mag-uli at makikita nating muli ang Diyos.

  • Ano ang maaaring ituro sa atin ng talata 23–24 tungkol sa nadama ni Job tungkol sa katotohanang ito?

  • Paano maaaring naimpluwensyahan si Job ng kaalamang ito tungkol kay Jesucristo habang tinitiis niya ang kanyang mga pagsubok?

  • Paano makatutulong sa atin ang kaalamang ito?

Maaaring basahin ng mga estudyante ang sumusunod na pahayag nang mag-isa at pagkatapos ay ibahagi kung ano ang mahalaga para sa kanila mula rito.

Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan ang ilang paraan kung paano makapagdudulot sa atin ng pag-asa ang ating kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang Pagkabuhay na Mag-uli mula sa mga patay ay nakapapanatag na personal na haligi ng ating pananampalataya.Ito ang nagdaragdag ng kahulugan sa ating doktrina, dahilan sa ating mga pagkilos, at pag-asa sa ating kinabukasan. …

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay nagbibigay sa atin ng pananaw at lakas na tiisin ang mga hamon sa buhay na kinakaharap ng bawat isa sa atin at ng ating mga mahal sa buhay.Binibigyan tayo nito ng bagong paraan ng pagtingin sa pisikal, mental, o emosyonal na mga kakulangan na nasa atin na nang isilang tayo o nakuha natin sa buhay na ito.Binibigyan tayo nito ng lakas na tiisin ang mga kalungkutan, kabiguan, at kapighatian.Dahil bawat isa sa atin ay tiyak na mabubuhay na mag-uli, alam natin na ang mga kakulangan at oposisyong ito sa buhay ay pansamantala lamang.(“Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” Liahona, Mayo 2021, 75)

  • Kailan ninyo nakitang nagkaroon ng pag-asa ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli?

Pag-unawa sa Pagkabuhay na Mag-uli

Bago ipakita ang mga sumusunod na tagubilin, maaari mong talakayin kung paano natin mapapalakas ang mga salitang binibigkas o isinusulat natin sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga ito sa mga salita ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta.Ang isang paraan kung paano natin ito magagawa ay sa pamamagitan ng pagsipi ng mga parirala mula sa mga banal na kasulatan.

Gawin ang sumusunod sa talatang isinulat mo bilang tugon sa tanong ni Mrs. Patton:

  1. Magdagdag ng isa o dalawang pangungusap gamit ang isang bagay na natutuhan o nadama mo ngayon tungkol kay Jesucristo at sa pag-asang mayroon tayo dahil sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli.Magsama ng parirala mula sa Job 19:25–27.

  2. Magdagdag ng isa o dalawang karagdagang pangungusap gamit ang mga salita o parirala mula sa iba pang banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan.Para magawa ito, maaari mong hanapin ang “Pagkabuhay na Mag-uli“ sa Gospel Library, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o Mga Paksa at Mga Tanong.Maaari mo ring rebyuhin ang mga pahina 57–58, 64–66, at 68 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023).

Kung kinakailangan, maaari mong ibigay ang ilan sa mga sumusunod na reperensya:

1 Corinto 15:20–22; Mosias 16:7–8; Alma 11:42–44; Helaman 14:17; Moroni 7:41

Maaari mong ipanood ang “Dahil sa Kanya” (2:44) na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, at sabihin sa mga estudyante na magdagdag sa isinulat nila.

2:45

Kapag natapos na ang mga estudyante, isaayos sila sa maliliit na grupo.Ipabahagi sa mga estudyante sa kanilang mga grupo ang isinulat nila tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.Habang nagbabahagi ang kanilang mga kaklase, maaaring magdagdag ang mga estudyante sa sarili nilang mga talata.

Para tapusin ang klase, maaari mong ipanood ang natitirang bahagi ng “Until We Meet Again,“ mula sa time code na 2:28 hanggang 3:39, para marinig ang sinabi ni Pangulong Monson kay Mrs.Patton.

3:40