“Job 21–24; 38–40; 42: Tingnan ang mga Pagsubok nang may Walang-hanggang Pananaw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Job 21–24; 38–40; 42: Tingnan ang mga Pagsubok nang may Walang-hanggang Pananaw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: Lesson 99
Job 21–24; 38–40; 42
Tingnan ang mga Pagsubok nang may Walang-hanggang Pananaw
Naisip mo na ba kung bakit hinahayaan ng Diyos ang pagdurusa?May iba ka pa bang itinanong sa panahong dumaranas ka ng pagsubok?Sinubukan ni Job at ng kanyang mga kaibigan na tukuyin ang mga dahilan ng pagdurusa ni Job, ngunit sila ay nabigo.Bagama’t hindi nagbigay ng dahilan ang Diyos, tinulungan Niya si Job na makita ang kanyang mga pagsubok sa paraang mas dakila at mas banal.Ang lesson na ito ay maaaring magbigay sa mga estudyante ng pagkakataong tulungan ang iba na tingnan ang kanilang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.
Paghahanda ng estudyante: Ibigay sa mga estudyante ang tanong na “Bakit hinahayaan tayo ng Diyos na makaranas ng mga pagsubok?“Anyayahan sila na malaman ang mga sagot gamit ang sources na itinalaga ng Diyos, tulad ng mga banal na kasulatan, mga turo mula sa mga lider ng Simbahan, o kanilang mga magulang.Maaari din silang magtanong sa mga kapamilya o kaibigan kung paano nila sasagutin ang tanong.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Bakit nangyayari ang masasamang bagay?
Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagsusulat sa pisara ng mga sumusunod na tanong.Sabihin sa klase na gumawa ng dalawa pang tanong na maaaring itanong ng mga tao habang sinusubukang maunawaan ang kanilang mga pagsubok.Idagdag ang dalawang tanong na ito sa pisara at lagyan ang mga ito ng numerong 5 at 6.Ang mga tanong na ito ay babanggitin sa buong lesson.
-
“Wala siguro akong nagagawang tama.Bakit pa napakahirap ng buhay para sa akin?”
-
“Kung sumusunod ako sa ebanghelyo, bakit hindi ko maiwasan ang mga pagsubok at paghihirap?”
-
“Akala ko mahal ako ng Diyos.Bakit Niya pinahihirapan nang husto ang buhay ko?”
-
“Kung totoo ang Diyos, bakit hindi Niya pinipigilan ang mga pagdurusa ng mga tao?”
-
-
Makatutulong na kilalanin na maaaring naitanong na ng ilang estudyante ang mga tanong na katulad nito sa panahon ng mga pagsubok.Hikayatin ang mga estudyante na maging mabait at magalang habang tinatalakay nila ang sumusunod na tanong.
-
Ano ang ilang palagay na maaaring maisip ng mga tao kapag nagtatanong sila ng mga katulad nito?
Pagkatapos ng talakayan, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong.Maaari nilang isulat ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal.
-
Sa palagay mo ba ay matutulungan mo ang isang tao na bumaling sa Panginoon at humanap ng mga sagot sa mga ganitong uri ng mga tanong?Bakit o bakit hindi?
Ang pag-aaral ng sources na itinalaga ng Diyos ay maaaring makapag-anyaya ng Espiritu Santo sa ating pagkatuto.Bigyang-pansin ang mga kabatirang maaaring ituro Niya sa iyo habang binabasa mo ang mga banal na kasulatan at pahayag sa lesson na ito.Isipin kung paano makatutulong sa iba ang mga kabatirang ito na masagot ang mga tanong tungkol sa kanilang mga pagsubok.Ang paggawa nito ay maaaring makatulong sa inyo na magkaroon ng higit na pang-unawa sa sarili ninyong mga pagsubok.
Si Job at ang kanyang mga kaibigan
Maaari kang magpakita ng larawan ni Job, tulad ng nasa simula ng lesson na ito.Sabihin sa mga estudyante na bahagyang talakayin sa kapartner ang naaalala nila sa kuwento tungkol kay Job.Pagkatapos ay maaari mong ibahagi ang sumusunod:
Sa panahon ng mga pagsubok ni Job, binisita siya ng kanyang tatlong kaibigan.Sinubukan ni Job at ng kanyang mga kaibigan na matukoy ang mga dahilan ng kanyang pagdurusa.Humantong sa mga hindi tumpak na palagay ang kanilang limitadong pananaw.
Gamit ang mga talata sa ibaba, maaari mong anyayahan ang kaliwang bahagi ng klase na pag-aralan kung ano ang pinaniniwalaan ni Job tungkol sa kanyang pagdurusa at ang kanang bahagi na pag-aralan ang pinaniniwalaan ng kaibigan ni Job na si Elifaz.O maaari mong ibuod ang mga talatang ito at magpatuloy sa heading na “Isang walang-hanggang pananaw.”Ang pagbubuod ay magbibigay ng mas maraming oras para sa mga estudyante na pag-aralan ang konklusyon ng kuwento tungkol kay Job at talakayin ang handout.
-
Basahin ang Job 19:6–11, at alamin ang palagay ni Job tungkol sa Diyos.
-
Basahin ang Job 22:5–10, at alamin kung ano ang palagay ni Elifaz tungkol kay Job.
-
Anong mga hindi tumpak na palagay ang mayroon ang bawat isa?
Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pag-unawa sa kanilang binabasa, maaari mong ipaliwanag na naramdaman ni Job na tinulutan ng Diyos ang kanyang mga pagsubok at iniwan siya.Pinaratangan ni Elifaz si Job na gumawa ng masama sa ibang tao.Naniniwala siya na ang pagdurusa ni Job ay bunga ng kasamaan.
Isang walang-hanggang pananaw
Habang patuloy na nahihirapan si Job sa kanyang mga pagsubok, nangusap sa kanya ang Diyos.Maraming itinanong ang Diyos kay Job tungkol sa paglikha ng mundo, na hindi masagot ni Job (tingnan sa Job 38–41).
Basahin ang Job 38:4–7, at alamin ang mga halimbawa ng mga tanong ng Diyos kay Job.
Ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang naging tugon ng Diyos sa kawalang kakayahan ni Job na sumagot sa Kanya:
Para bang matiyaga at magiliw na sinabi ng Diyos kay Job, “Kung hindi ninyo masasagot ang kahit isa sa mga tanong ko tungkol sa mundong aking nilikha, posible ba na may mga walang-hanggang batas na hindi ninyo nauunawaan?May mga palagay ba kayo na hindi balido?Nauunawaan ba ninyo ang mga [hangarin] ko at paano gumagana ang aking plano ng kaligtasan at kadakilaan?At nakikita ba ninyo ang inyong magiging tadhana?”
Alam ng Diyos sa Kanyang karunungan na mahalagang bahagi ng ating mortal na karanasan ang hindi malaman ang lahat ng bagay.May isang bagay tungkol sa pagtitiwala sa Kanya na nagtutulot sa atin na umunlad upang maging katulad Niya.(“Magtiwala sa Diyos at Hayaan Siyang Manaig,” Liahona, Ago. 2022, 5)
-
Ano ang ipinapaunawa sa inyo ng pahayag na ito tungkol sa Diyos at sa mga pagsubok?
Kapag sumagot ang mga estudyante, maaari mong banggitin na hindi nagbigay ng dahilan ang Diyos sa paghihirap ni Job.
Basahin ang Job 42:1–6, at alamin ang naging tugon ni Job sa Panginoon.
-
Ano ang mahalaga para sa inyo sa tugon ni Job?
-
Ano ang natutuhan ninyo sa kuwento tungkol kay Job na makatutulong sa atin na mas maunawaan ang ating mga pagsubok?
Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng maraming katotohanan, kabilang ang matutulungan tayo ng Diyos na tingnan ang ating mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.
Kinilala ni Job ang kanyang limitadong pag-unawa na hindi maikukumpara sa kaalaman ng Diyos at binago ni Job ang paraan ng pagtingin niya sa kanyang mga pagsubok.Natanto niya na ang kanyang pagdurusa ay hindi bunga ng kasalanan o banal na kaparusahan.Lubos na pinagpala ng Diyos si Job sa mga huling araw ng kanyang buhay (tingnan sa Job 42:12–13).
Pag-unawa sa mga pagsubok
Maaaring hindi natin palaging nauunawaan ang mga dahilan para sa ating mga hamon.Gayunpaman, naglaan ang Panginoon ng banal na sources na makatutulong sa atin na makita ang ating mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.
Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng handout na may pamagat na “Pag-unawa sa mga Pagsubok.”Maaari itong gawin ng mga estudyante nang mag-isa upang mabigyang-daan ang personal na pagninilay.O maaari nilang pag-aralan ang handout nang magkakapartner o sa maliliit na grupo upang madagdagan ang pag-unawa o pakikilahok ng mga estudyante.
Sa halip na gamitin ang handout, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga salita tulad ng “paghihirap” o “mga pagsubok” sa Gospel Library upang magkaroon ng mga kaalaman na makatutulong sa kanila na mas maunawaan ang mga pagsubok.
Kapag nasagutan na ng mga estudyante ang handout, maaari mo silang anyayahan na basahin muli ang anim na tanong tungkol sa mga pagsubok na isinulat sa pisara sa simula ng klase.Pagkatapos ay maaari mong simulan ang talakayan sa klase gamit ang mga tanong na tulad ng sumusunod:
-
Ano ang natutuhan ninyo na maaaring makatulong sa isang taong may ganitong mga tanong na tingnan ang kanyang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw?
-
Paano ninyo nakitang totoo ang mga turong pinag-aralan ninyo sa sarili ninyong pagsubok?
-
Ano ang natututuhan ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang nakikinig kayo sa ibinabahagi ng iba?
Maaari din ninyong panoorin ang “Why Do Bad Things Happen to Good People?” (4:39), makikita sa ChurchofJesusChrist.org.Sabihin sa mga estudyante na alamin ang natutuhan ni Brock mula sa kanyang mga pagsubok.
Pangwakas
Hayaang magsadula ang mga estudyante ng tungkol sa pagtulong sa iba na tingnan ang kanilang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpapartner-partner sa mga estudyante.Bigyan ang bawat magkapartner ng dice na may anim na bahagi.Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.Maaari mong baguhin ang mga tagubilin kung walang dice.
Tingnan ang anim na tanong tungkol sa mga pagsubok na nakasulat sa pisara habang kinukumpleto ninyo ng kapartner mo ang sumusunod na aktibidad:
-
Pumili ng isang taong maghahagis ng dice.
-
Kung ikaw ang naghagis ng dice, itanong sa iyong kapartner ang tanong sa pisara na may numerong kapareho ng numerong nakuha mo sa dice.(Halimbawa, kung ang numerong isa ang nakuha mo, itatanong mo ang, “Wala siguro akong nagagawang tama.Bakit pa napakahirap ng buhay para sa akin?”)
-
Kung hindi ikaw ang naghagis ng dice, sagutin ang tanong ng iyong kapartner.Gumamit ng mga kabatirang nakuha mo mula sa klase upang matulungan ang iyong kapartner na tingnan ang kanyang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.Isama ang mga naiisip o nadarama mo tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo.
-
Magpalitan sa paghagis ng dice at pagsagot sa mga tanong at ulitin ang aktibidad ng isa pang beses.Kung makukuha ang parehong numero, ihagis ulit ang dice.
Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iyong patotoo sa mga bagay na ibinahagi ng mga estudyante ngayon.