Seminary
Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Buod


“Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46

Buod

Ang aklat ng Mga Awit ay naglalaman ng mga patulang pagpapahayag ng pagsamba para sa Ama at Anak at maging sa mga propesiya tungkol sa buhay at misyon ni Jesucristo.Sa Mga Awit 23, inilarawan ni David ang kanyang kaugnayan kay Jesucristo sa pamamagitan ng magkakasunod na magandang paglalarawan.Sa Mga Awit 24, tinulungan tayo ni David na maunawaan kung paano tayo makapaghahanda na “[umakyat] sa bundok ng Panginoon” (Mga Awit 24:3).

Two people sitting at a table. Text boxes representing communication.Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral.Ang nagbibigay-inspirasyong musika ay makapag-aanyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo at makapagpapadama ng pagpipitagan sa klase.Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 100: “Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 1.”

Para malaman pa ang tungkol sa pagtulong sa mga mag-aaral na maturuan ng Espiritu Santo, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, p. 17–18).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang buhay at misyon ni Jesucristo gaya ng ipinropesiya sa Mga Awit.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nagtuturo at nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo ang kanilang mga paboritong himno.Anyayahan silang maghandang magbahagi sa klase ng paboritong himno tungkol kay Jesucristo.Kung sa palagay ng mga estudyante ay wala silang paboritong himno, sabihin sa kanila na maghanap sa aklat ng himno ng mga kantang nagtuturo tungkol kay Jesucristo.

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong na pag-iisipan tungkol sa Tagapagligtas at sa mga himno; mga talata ng banal na kasulatan mula sa Mga Awit

  • Video:My Kingdom Is Not of This World” (5:25) panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 3:18

Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipahayag ang kanilang nadarama sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Ipaalam sa mga estudyante na magkakaroon sila ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa mga sagradong bagay bilang paghahanda sa pagbabahagi ng mga nadaramang iyon sa lesson na ito.Hikayatin ang mga estudyante na makinig sa mapitagang musika at balikan ang mga paboritong banal na kasulatan, sipi, o sagradong larawan, at alamin ang mga partikular na bagay na maaari nilang ibahagi.Kapag ginawa nila ito, maihahanda ang kanilang puso at isipan sa aktibidad sa lesson na ito.

  • Maghandang magbahagi sa mga estudyante: Ilan sa mga paborito mong paraan kung saan naipahayag ng mga indibiduwal ang kanilang nadarama sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, tulad ng isang kaisipan, tula, paboritong video, o sagradong musika

  • Nilalamang ipapakita: Listahan ng mga awit na pag-aaralan at mga tanong na tatalakayin; mga opsiyon para sa mga estudyante na ipahayag ang kanilang nadarama para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pagtatapos ng lesson

  • Mga Video:Trust in the Lord: Music Video” (4:11); “Here I Am, I Will Follow Jesus Christ” (3:07); “Peace in Christ” (4:09); Sister Kristin Yee shares her painting of the Savior on Facebook (1:25)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel, mga colored pencil, mga marker, at iba pa para sa mga estudyanteng gustong lumikha ng visual na representasyon ng kanilang mga nadarama para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo

Mga Awit 23

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang magiliw at mapagmahal na pagkatao ni Cristo sa pamamagitan ng paglalarawan sa isipan ng mga imahe sa banal na kasulatan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nagpapaalala sa kanila tungkol sa Tagapagligtas ang mga bagay na nakikita nila araw-araw.Halimbawa, “Ang ulan ay nagpapaalala sa akin sa Tagapagligtas dahil …”.Pagkatapos ay anyayahan silang basahin ang Mga Awit 23 at pumili ng paboritong paghahambing na ginawa ni David sa Tagapagligtas o sa mga nagawa ng Tagapagligtas para sa atin.

  • Mga Larawan: Isang taong nagdadalamhati; isang taong sumasayaw; si Jesucristo na inilarawan bilang pastol

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang papel para sa bawat estudyante, mga colored pencil o marker

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa pagsasanay sa paglalarawan sa isip gamit ang Mga Awit 23:2–6

Mga Awit 24

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghanda upang maging karapat-dapat na makapasok sa templo at kalaunan ay manahan sa kinaroroonan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga tanong sa temple recommend, at isipin ang sarili nilang espirituwal na paghahanda para makadalo sa templo.Ang mga tanong na ito ay makikita sa appendix ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022].

  • Mga Larawan: Isang tinedyer na maputik; ang loob ng templo

  • Mga item na ipapakita: Isang mangkok na may lamang putik bilang alternatibo sa pagpapakita ng larawan ng tinedyer na maputik

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa pag-aaral ng mga parirala mula sa Mga Awit 24:4

  • Video:Standing in Holy Places” (5:36)