Seminary
Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2: Sambahin ang Panginoon at Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan


“Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2: Sambahin ang Panginoon at Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2: Sambahin ang Panginoon at Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Lesson 101

Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2

Sambahin ang Panginoon at Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan

Photos taken of David A. Bednar during his visit to Africa South East area in October & November 2013.Youth Devotional held in Durban, South Africa.  Some youth singing in the congregation.  Similar outtakes, also some exterior shots of the chapel.

Ang isang paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay ang pagpapahayag ng iyong pagmamahal at katapatan sa Kanila.Marami sa Mga Awit ay mga halimbawa ng patulang pagsamba sa Ama at Anak sa mga papuri, pagsusumamo, at panalangin.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipahayag ang kanilang nadarama sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Paghahanda ng mga estudyante: Ipaalam sa mga estudyante na magkakaroon sila ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa mga sagradong bagay bilang paghahanda sa pagbabahagi ng mga nadaramang iyon sa lesson na ito.Hikayatin ang mga estudyante na makinig sa mapitagang musika at balikan ang mga paboritong banal na kasulatan, sipi, o sagradong larawan, at alamin ang mga partikular na bagay na maaari nilang ibahagi.Kapag ginawa nila ito, maihahanda ang kanilang puso at isipan sa aktibidad sa lesson na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagsamba sa Diyos

Tandaan: Ang aktibidad sa pagtatapos ng lesson na ito ay magiging bahagi ng pagninilay sa Lesson 112: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 7.”Siguraduhing magbigay ng maraming oras para masimulang gawin ng mga estudyante ang aktibidad sa oras ng klase.

Para simulan ang klase, bigyan ng isang minuto ang mga estudyante para mapag-isipan ang sumusunod na tanong:

  • Ano ang ibig sabihin sa iyo ng “pagsamba sa Diyos”?

Ibinahagi ni Elder Dean M. Davies, na noon ay naglilingkod sa Presiding Bishopric, ang ilang paraan kung paano natin masasamba ang Diyos nang ituro niya:

Former Official Portrait of Dean M. Davies.  Portrait was replaced in May 2016.  Bishop Davies was sustained as second counselor in the Presiding Bishopric at the April 2012 General Conference.  He was called and sustained as first counselor in the Presiding Bishopric during the October 2015 General Conference.  Former Managing Director for Temple and Special Projects Department..

Kapag sinasamba natin ang Diyos, lumalapit tayo sa Kanya nang buong galang, pagmamahal, pagpapakumbaba, at paghanga.Kinikilala at tanggap natin Siya bilang ating hari, ang Lumikha ng sansinukob, ating pinakamamahal at mapagmahal na Ama.

Gumagalang at nagpipitagan tayo sa Kanya.

Nagpapasakop tayo sa Kanya.

Iniaangat natin ang ating mga puso sa makapangyarihang panalangin, pinahahalagahan ang Kanyang salita, nagagalak sa Kanyang biyaya, at nangangakong susundin Siya nang buong katapatan.(“Ang mga Pagpapala ng Pagsamba,” Liahona, Nob. 2016, 94)

  • Paano mo ilalarawan ang pagkakaiba ng simpleng pagdalo sa simbahan, templo, o seminary sa pagsamba sa Diyos kapag dumadalo ka?

Maikling ibahagi sa mga estudyante ang isa o dalawa sa paborito mong paraan kung paano ipinahayag ng mga tao ang kanilang nadarama sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Kasama sa mga halimbawa ang tula, video, likhang sining, isinulat, o sagradong musika.Maaari mong isama ang mga bagay na ikaw mismo ang nagsulat o gumawa.Ipaliwanag sa mga estudyante na maraming paraan upang maipakita ng isang tao ang pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maipapakita ang kanilang pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Sa buong lesson, maging maunawain at sensitibo sa mga estudyanteng maaaring hindi nakadarama ng koneksyon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ngayon.

Sa inyong study journal, pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong na sasagutin.Maaari ninyong gamitin ang ilan sa mensahe ni Elder Davies o ang sarili ninyong mga salita upang ibuod ang iyong nadarama.

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa mga sagradong bagay?

  • Paano mo pinakamainam na naipapakita ang pagmamahal, paggalang, o pagpipitagan sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, o sa mga espirituwal na pagpapala?

Sa pagtatapos ng lesson ngayon, magsisimula kayong magpahayag ng nadarama ninyo.Alalahanin ito habang nag-aaral kayo.Isipin kung paano ninyo maaaring gustuhing ipahayag ang inyong natututuhan at nararamdaman.Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayo sa inyong mga pagsisikap.

Pagsamba sa Panginoon sa mga awit

Maraming mga awit ang patula at mapanalanging pagpapahayag ng mga sagradong kaisipan, damdamin, pag-asa, at hangarin ng mga manunulat.Bagama’t maraming banal na kasulatan ang nagsulat ng mga salita ng Panginoon sa atin, ang mga awit ay madalas na nagpapakita ng mga salita ng mga manunulat sa Kanya.Basahin ang Mga Awit 18:1–6, at hanapin ang mga salita at pariralang ginamit ni David para ipahayag ang kanyang nadarama tungkol sa Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang mga salita at pariralang nahanap nila.Maaaring matukoy ng mga estudyante ang iba’t ibang parirala, tulad ng:

  • Ang Panginoon ang aking kalakasan (talata 1).

  • Ang Panginoon ang aking malaking bato, muog, tagapagligtas, Diyos, lakas, kalasag, sungay ng kaligtasan, o matibay na kuta (talata 2).

  • Ang Panginoon ay marapat na purihin (talata 3).

  • Naririnig ng Panginoon ang ating mga pasusumamo sa Kanya (verse 6).

Maaaring ibahagi ng mga estudyanteng nagsulat ng mga parirala kung bakit kaya gusto ni David na malaman ito ng kanyang mga mambabasa tungkol sa Panginoon.Maaari mong itanong sa mga estudyante kung paano ginampanan ng Panginoon ang mga tungkuling ito sa kanilang buhay.

Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga sumusunod na scripture passage upang pag-aralan kasama ng kapartner.Hikayatin silang huminto nang madalas at magbahagi sa isa’t isa ng kanilang mga naiisip at nadarama.

Ang mga awit ay nagpapakita ng maraming paraan na maibabahagi natin ang ating nadarama para sa Panginoon.Pag-aralan ang isa sa mga sumusunod na passage nang dahan-dahan, at markahan ang mga salita at parirala na nagpapakita ng inyong mga nadarama tungkol sa Panginoon.

Mga Awit 8:1–9

Mga Awit 27:1–9

Mga Awit 30:1–12

Mga Awit 46:1–11

Maaari mong ipakita sa mga estudyante ang mga paraan ng pagpapahayag ng pagsamba bukod pa sa pagsusulat.Maaari kang pumili ng video na nagpapahayag ng damdamin para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sayaw, musika, o sining, tulad ng mga sumusunod na video na makukuha sa ChurchofJesusChrist.org.Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano sa palagay nila ang ipinapahayag ng mga may-akda sa pamamagitan ng mga titik, painting, at iba pa.

4:11
4:10

Ipahayag ang iyong pagsamba

Ibigay sa mga estudyante ang natitirang oras sa klase upang magsimulang gumawa ng isang bagay na nagpapakita kung ano ang nadarama nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Suriin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, at ipakita ang ilan o ang lahat ng mga sumusunod na opsiyon.

Maaari kang magbigay ng mga kagamitan sa sining tulad ng papel, mga colored pencil, mga marker, at iba pa para sa mga estudyanteng gustong gumawa ng isang visual na representasyon ng kanilang mga nadarama.

Dahil isa itong indibiduwal na proyekto, maaari kang lumibot sa silid at mag-alok ng tulong, gabay, at paghihikayat kung kinakailangan.Kung naaangkop, maaari kang magpatugtog ng malumanay at sagradong musika habang ginagawa ang aktibidad.

Maaaring makatulong na ipahayag ang iyong pagmamahal at pagtitiwala sa sinumang estudyante na maaaring nahihirapan sa kanilang mga naiisip o nadarama tungkol sa Panginoon.Maaaring maging magandang opsiyon ang aktibidad 6 para sa mga estudyanteng hindi pa rin sigurado tungkol sa kanilang pananampalataya.

Maglaan ng kaunting oras upang ipahayag ang iyong mga naiisip at nadarama tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa mga sagradong bagay.Gamitin ang isa sa mga sumusunod na opsiyon, o gumawa ng sarili mo.Maaaring maubusan ka ng oras para tapusin ang iyong gawain sa klase ngayon, ngunit maaari kang magsimulang gumawa ng kanta o tula o mag-isip ng konsepto ng drowing o video.Maaari mong ipagpatuloy ang ginagawa mo sa labas ng klase.Maaari mong piliing magsama ng banal na kasulatan mula sa Mga Awit na sa palagay mo ay makabuluhan.

  1. Gumawa ng tula o kanta na nagpapahayag ng iyong nadarama tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  2. Gumawa ng video o audio recording kung saan ibinabahagi mo ang iyong nadarama tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Para sa video, maaari kang magsama ng mga paboritong sagradong larawan mula sa Gospel Library.

  3. Madalas ihambing ng mga mang-aawit ang Tagapagligtas sa ibang bagay upang ipakita kung gaano Siya kahalaga sa kanila.Kasama sa mga halimbawa ang “Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking muog” (Mga Awit 18:2) at “Ang Panginoon ay aking liwanag” (Mga Awit 27:1).Gumawa ng listahan ng mga bagay sa iyong buhay na maaaring kumakatawan sa nadarama mo tungkol sa Panginoon.

  4. Gumawa ng drawing, painting, meme, paglalarawan, o iba pang likhang sining na nagpapakita ng iyong nadarama tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  5. Maghanap ng maraming sagradong larawan at bumuo ng collage.Pumili ng mga larawang kumakatawan sa mga bagay tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa ebanghelyo na mahalaga sa iyo.Gumawa ng maikling salaysay para sa bawat larawan na nagbubuod ng iyong mga iniisip at nadarama.

  6. Isulat ang mga naiisip mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Maaari kang magbahagi ng isang karanasan na nakaapekto sa nadarama mo tungkol sa Kanila.

Maaari mong hayaan ang mga estudyante na ibahagi ang ginawa nila ngayon.Maaari kang maglaan ng oras para maibahagi ng mga estudyante ang kanilang gawain sa mga susunod na lesson pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang mga gawa.Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdagdag sa kanilang ginagawa habang patuloy silang natututo tungkol kay Jesucristo sa mga susunod na lesson.Sabihin sa mga estudyante na pagninilayan nila ang tungkol sa karanasang ito sa pagkamalikhain sa Lesson 112: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 7.”