Seminary
Mga Awit 24: “Sinong Aakyat sa Bundok ng Panginoon?”


“Mga Awit 24: ‘Sinong Aakyat sa Bundok ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Awit 24: ‘Sinong Aakyat sa Bundok ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Lesson 103

Mga Awit 24

“Sinong Aakyat sa Bundok ng Panginoon?”

Youth Attending the Temple

Ang mga templo ay mga banal na lugar na malinis at dalisay.Matutulungan tayo ng mga ito na mailarawan sa isipan kung ano ang pakiramdam kapag kapiling natin ang Panginoon.Sa Mga Awit 24, inaanyayahan tayo ni Haring David na sikaping maging espirituwal na malinis at dalisay upang makapasok tayo sa templo ng Panginoon at sa Kanyang kinaroroonan balang-araw.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghanda na maging karapat-dapat na makapasok sa templo at kalaunan ay manahan sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga tanong sa temple recommend, at isipin ang sarili nilang espirituwal na paghahanda para makadalo sa templo.Ang mga tanong na ito ay makikita sa appendix ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022].

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Marumi o malinis?

Upang maihanda ang mga estudyante na pag-aralan ang Mga Awit 24, maaari kang magpakita ng larawan ng isang maputik na tinedyer.

Maaari ka ring magdala ng putik sa isang mangkok at anyayahan ang ilang estudyante na ilagay ang kanilang mga kamay dito.Pagkatapos ay iakma ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga estudyante kung ano ang nararamdaman nila.

The shoes of a runner in a Mud Race
  • Kailan ang huling beses na talagang maputik o madumi kayo?Ano ang nadama ninyo?

Maaari kang magpakita ng larawan ng loob ng templo.

Kung hindi pa nakakapasok sa loob ng templo ang iyong mga estudyante, maaari mong baguhin ang sumusunod na tanong at itanong kung ano sa palagay nila ang kanilang mararamdaman sa loob ng templo.

Belem Brazil Temple interiors. An interior image of the temple featuring the Celestial Room. There are chairs and a chandelier hanging.
  • Ano ang nadarama ninyo kapag pumapasok kayo sa templo?

    Maaari kang magpakita ng larawan ng isang maputik na tinedyer sa tabi ng larawan mula sa templo.

  • Ano ang mararamdaman ninyo kung masyado kayong maputik sa loob ng templo?Bakit?

  • Anong mga espirituwal na aral ang matututuhan natin dito?

Pagnilayan kung ano ang mararamdaman ninyo kung nakatayo kayo sa harap ng Ama sa Langit at ni Jesucristo nang maputik o marumi sa espirituwal.Pagkatapos ay pagnilayan kung ano kaya ang madarama ninyo kung nakatayo kayo sa Kanilang harapan matapos maging walang bahid-dungis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Sa inyong study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Gaano kahalaga sa iyo na maging karapat-dapat sa templo?Bakit?

  • Gaano kahalaga para sa iyo na makakasama mo balang-araw ang Ama sa Langit at si Jesucristo?Bakit?

Humingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo upang matulungan kayong malaman kung ano ang nais ng Panginoon na gawin ninyo upang masamba Siya nang karapat-dapat sa templo at balang-araw ay makapasok sa kinaroroonan Niya at ng Ama sa Langit.

“Ang bundok ng Panginoon”

Para masimulan ang pag-aaral ng Mga Awit 24, maaari kang gumawa ng simpleng drowing ng isang bundok sa pisara.Maaaring idrowing din ito ng mga estudyante sa kanilang study journal.Basahin o ibuod ang talata sa ibaba.

2026 Old Testament Seminary Teacher Materials

Sa Mga Awit 24, gumamit si Haring David ng matalinghagang paglalarawan ng isang bundok.Ang ilang scripture passage ay gumagamit ng mga bundok o burol bilang mga simbolo ng mga templo (tingnan sa Isaias 2:2–3).Posibleng ang tinutukoy ni David ay ang templo, o ang kinaroroonan ng Diyos, o pareho.

Maaari mong isama sa tuktok ng iyong bundok ang isang simpleng drowing ng templo at ang mga salitang Ama sa Langit at Jesucristo.Maaari kang magdrowing ng stick figure sa ibaba ng bundok na kumakatawan sa atin.

Basahin ang Mga Awit 24:3–6, at alamin kung ano ang dapat nating gawin para maghandang pumasok sa templo at makabalik sa kinaroroonan ng Panginoon balang-araw.

icon ng doctrinal mastery @img–type=iconAng Mga Awit 24:3–4 ay isang doctrinal mastery passage.Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.

Pagkatapos basahin ng mga estudyante ang mga talata, maaaring magkaroon sila ng ilang tanong tungkol sa ilan sa mga salita o parirala.Sabihin sa mga estudyante na magtanong kung may katanungan sila o ang isang tao sa pangkalahatan habang binabasa nila ang scripture passage na ito.Kung makatutulong, ipaliwanag na ang “nagtataas” ay tumutukoy sa kapalaluan o kayabangan.Ang pariralang “hindi sumusumpa na may panlilinlang” ay maaaring tumukoy sa pagiging matapat sa sarili, sa iba, at sa Diyos.

Maaari mong isulat ang mga sagot ng mga estudyante sa sumusunod na tanong sa pisara sa gilid ng bundok.Ang iyong huling drowing ay maaaring magmukhang katulad ng larawan sa ibaba.

  • Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga talatang ito tungkol sa paghahandang pumasok sa templo at bumalik sa kinaroroonan ng Panginoon balang-araw?

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang nalaman nila sa talata 3–6, tulungan sila na matukoy ang sumusunod na katotohanan: Dapat nating ihanda ang ating sarili sa espirituwal upang sambahin ang Panginoon sa Kanyang templo at manahan sa Kanyang kinaroroonan.

  • Sa inyong palagay, bakit kailangan nating maging espirituwal na handa sa pagpasok sa mga templo ng Panginoon at kalaunan ay sa Kanyang kinaroroonan?

  • Paanong ang utos ng Panginoon na maging espirituwal na handa ay katibayan ng Kanyang pagmamahal sa atin?

Naghahanda sa espirituwal

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin at anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang mga ito nang mag-isa sa kanilang study journal o nang may kapartner.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na parirala mula sa Mga Awit 24:4 na gusto mong higit na matutuhan.

  • malilinis na kamay

  • pusong dalisay

  • hindi nagtataas ng kanyang kaluluwa sa hindi totoo (kababaang-loob)

  • hindi sumusumpa na may panlilinlang (katapatan)

Maghanap ng mga banal na kasulatan o mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang parirala.Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Sa palagay mo, bakit mahalaga ang aspetong ito ng paghahanda upang makasamaba sa templo at makasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo balang-araw?

  • Ano ang mga partikular na paraan na mapagsisikapan ng isang tinedyer na Banal sa mga Huling Araw ang aspetong iyon ng paghahanda?

  • Ano ang nais mong ibahagi tungkol sa Tagapagligtas sa isang kaibigan na nahihirapan sa aspetong iyon ng paghahanda?

Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante, maaari kang magmungkahi ng mga scripture passage gaya ng sumusunod:

Maaari mo rin silang ituon sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o sa Gospel Library.

Maaari mo ring ibigay ang pahayag mula kay Elder Bednar mula sa Karagdagang Resources sa lesson na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa ibang estudyante o magkapartner na nag-aral ng ibang parirala.Pagkatapos ay maaari mong hilingin sa ilang estudyante na magbahagi sa klase.

Ang aking personal na paghahanda

Upang ihanda ang iyong mga estudyante na gumawa ng personal na mithiin, maaari mong ipanood ang isang video na tulad ng “Standing in Holy Places” (5:36), makikita sa ChurchofJesusChrist.org.Maaaring anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga paraan na inihanda ng dalaga ang kanyang sarili upang maging karapat-dapat sa pagdalo sa templo.

5:36

Maaari ding makinabang ang mga estudyante sa pakikinig sa karanasan ng isa‘t isa.Halimbawa, maaari nilang ibahagi ang nadarama nila sa loob ng templo o kung paano pinagpapala ng pagkakaroon ng temple recommend ang kanilang buhay.

Pagnilayan ang ginagawa mo sa sarili mong espirituwal na paghahanda.Pag-isipan kung ano sa palagay mo ang ikinalulugod ng Ama sa Langit at ang mga aspeto na maaari mong pagbutihin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Ama sa Langit na gawin mo para ihanda ang iyong sarili para sa templo at sa pananahanan sa piling Niya balang-araw?

  • Paano ka makakaasa sa tulong ng Tagapagligtas?

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang pinag-aralan ng mga estudyante.Tiyakin sa mga estudyante ang tungkol sa kakayahan ng Tagapagligtas na linisin at tulungan sila.Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag upang tapusin ang lesson.

Ibinahagi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang sumusunod:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Ang dalangin ko para sa inyo at sa lahat ng inyong minamahal na pamilya ay na lumago ang inyong hangarin at determinasyon na maging karapat-dapat na pumunta sa bahay ng Panginoon nang madalas hangga’t itinutulot ng inyong sitwasyon.

Gusto Niyang salubungin kayo roon.(“Templo’y Ibig Makita,” Liahona, Mayo 2021, 31)

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa oras ng lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap.Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Awit 24:3–4 ay “Sinong tatayo sa kanyang dakong banal?Siyang may malilinis na kamay at may pusong dalisay.”Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”