“Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86
Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86
Buod
Pagkatapos gumawa ng mabibigat na kasalanan, ipinahayag ni David ang kanyang pagnanais na magsisi at maging malinis sa isang awit (tingnan sa Mga Awit 51).Karamihan sa mga banal na kasulatan ay nangungusap ang Diyos sa tao, ngunit marami sa mga awit ay isang pagpapahayag ng taong nangungusap sa Diyos.Sa buong Mga Awit, ipinahayag ng mga mang-aawit ang kanilang mga pag-asa at nadarama sa mga salitang parang nananalangin.Sa pag-aaral natin ng mga panalangin ng mga mang-aawit, matututo tayo ng mga paraan upang palalimin ang ating sariling ugnayan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.
Ituro ang Doktrina.Noong nagturo ang Tagapagligtas gamit ang mga talinghaga, hinayaan Niya na makaugnay ang mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng kuwento.Nakatulong ito sa mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa Kanyang mga turo.Kapag itinuturo natin ang doktrina ng Tagapagligtas, matutulungan natin ang mga estudyante na makahanap ng personal na kaugnayan sa kanilang natututuhan.Ang isang paraan na magagawa natin ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga personal na kalagayan habang pinag-aaralan nila ang mga banal na kasulatan.Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Tinutulungan ng Tagapagligtas ang mga Tao na Makahanap ng Personal na Kaugnayan sa Kanyang Doktrina” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 23).Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 105: “Mga Awit 61–86.“
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.
Mga Awit 51
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag nagsisi sila, malilinis sila ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang kanilang sarili sa sumusunod na sitwasyon: Isipin kunwari na sinabi sa iyo ng isang kaibigan mo na alam niya na kailangan niyang magsisi ngunit iniisip niya kung paano.Ano ang gusto mong maunawaan niya tungkol sa pagsisisi at sa tungkulin ng Tagapagligtas na madaig ang kasalanan?
-
Nilalamang ipapakita: Ang mga tagubilin sa pagsagot sa hypothetical na tanong mula sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan; ang mga tagubilin habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang Mga Awit 51:1–19
Mga Awit 61–86
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makipag-ugnayan nang mas makabuluhan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pagtuunan ng pansin mula ngayon hanggang sa susunod na klase kung paano nila nadaramang nakakaugnay sila sa Ama sa Langit sa kanilang mga panalangin.
-
Nilalamang ipapakita: Ang mga scripture reference ng awit at mga kasamang tanong; ang diagram na tutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang natutuhan nila tungkol sa panalangin
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na balikan ang listahan ng mga Doctrinal Mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Lumang Tipan na makikita sa Gospel Library.Maaaring pumili ang mga estudyante ng isang scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa listahan.Sabihin sa mga estudyante na maglaan ng ilang minuto para isaulo ang kanilang napiling scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.Maaari nilang gamitin ang doctrinal mastery mobile app bilang tool na tutulong sa kanila na magsaulo.
-
Mga item na ihahanda: Apat na maliliit na piraso ng papel na naka-staple nang sama-sama para sa bawat estudyante
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad sa Pagsasaulo; mga larawan ng dalawang frame.
-
Video: “Examining Questions with an Eternal Perspective” (2:56)