“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86: Lesson 106
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7
Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang pundasyon para sa kanilang buhay.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na balikan ang listahan ng mga Doctrinal Mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Lumang Tipan na makikita sa Gospel Library.Maaaring pumili ang mga estudyante ng isang scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa listahan.Sabihin sa mga estudyante na maglaan ng ilang minuto para isaulo ang kanilang napiling scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.Maaari nilang gamitin ang doctrinal mastery mobile app bilang tool na tutulong sa kanila na magsaulo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo
Para matulungan ang mga estudyante na isaulo ang mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa Lumang Tipan, maaari mo silang hatiin sa mga grupo na may tig-aapat na miyembro.Bigyan ang bawat estudyante ng apat na maliit na piraso ng papel na naka-staple nang sama-sama.Ipaliwanag na ipapaikot ng mga estudyante ang kanilang mga papel sa kanilang kagrupo.Bilang bahagi ng aktibidad na ito, magdodrowing ng mga larawan ang mga estudyante.Ipaalala sa kanila na huwag magdrowing ng Diyos o ilarawan ang Diyos sa kanilang mga drowing.
Maaari mong paisa-isang ipakita ang mga sumusunod na tagubilin habang kinukumpleto ng mga estudyante ang bawat aktibidad.(Para sa step 1 at 3, bigyan ang mga estudyante ng isang minuto para matapos.Para sa step 2 at 4, bigyan sila ng 30 segundo para matapos.)
-
Nang hindi ito ibinabahagi sa iyong grupo, pumili ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa isang doctrinal mastery reference.Sa iyong unang piraso ng papel, magdrowing ng simpleng larawan na ipinapakita ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
-
Ipasa ang mga papel nang pakanan sa mga kagrupo.Tingnan ang larawan sa unang pahina.Sa pangalawang pahina, isulat ang doctrinal mastery reference na sa palagay mo ay nauugnay sa larawan.
-
Ipasa ang mga papel nang pakanan.Nang hindi tinitingnan ang drowing sa unang pahina, basahin ang doctrinal mastery reference sa pangalawang pahina.Sa pangatlong piraso ng papel, magdrowing ng simpleng larawan na nagpapakita sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
-
Ipasa ang mga papel nang pakanan.Nang hindi tumitingin sa reference sa pangalawang pahina, tingnan ang larawan sa pangatlong pahina.Sa pang-apat na pahina, isulat ang doctrinal mastery reference na sa palagay mo ay nauugnay sa larawan.
Ipabalik sa mga estudyante ang mga papel sa orihinal na may-ari.Anyayahan ang bawat tao na ibahagi ang mga drowing at hula sa kanilang mga papel sa kanilang mga kagrupo.Maaaring ibahagi ng bawat estudyante ang orihinal na mahalagang parirala ng banal na kasulatan na pinili nila.
Kasama ang kanilang grupo, sabihin sa mga estudyante na bigkasin nang malakas ang mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala na ginamit sa aktibidad na ito.Maaari nilang ulitin ang mga ito nang ilang beses.
Kung may oras pa, maaaring ulitin ang aktibidad sa pagdrowing gamit ang ibang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.Tiyaking may sapat na oras (25–30 minuto) ang mga estudyante para gawin ang mga aktibidad sa bahaging “Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman” sa ibaba.
Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay kasama sa bahagi ng appendix na may pamagat na “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”Ang pagrerebyu na ito ay hindi kailangang tumagal nang maraming oras, ngunit kinakailangang regular na rebyuhin ng mga estudyante ang mga alituntuning ito upang magamit ang mga ito sa sarili nilang buhay.Ang mga paglalarawan sa mga alituntunin ay matatagpuan sa talata 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).Pagkatapos ng pagrerebyu, hayaang magsanay ang mga estudyante ng paggamit ng mga alituntuning ito sa sumusunod na sitwasyon.
Pagkatapos ng isang lesson kamakailan sa Sunday school tungkol sa kahalagahan ng pagpunta sa templo, napagtanto ni Paul na matagal na siyang hindi nakakapunta sa templo.Dahil sa ilang pagkakamaling nagawa niya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat na pumasok sa bahay ng Panginoon.Iniisip ni Paul sa kanyang sarili, “Hindi nanaisin ng Diyos na pumunta ako sa Kanyang templo dahil sa ginawa ko.”
-
Sa palagay mo, paano makatutulong ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang taong nakadarama ng nararamdaman ni Paul?
Hikayatin ang mga estudyante na ipakita kung paano makatutulong kay Paul ang bawat isa sa mga alituntunin.Ang natitira sa nilalaman ng lesson na ito ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na suriin ang mga tanong nang may walang-hanggang pananaw.Kung sa tingin mo ay makabubuting magsanay pa ang mga estudyante sa iba pang alituntunin, iakma ang nilalamang ito upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
Ang isang paraan na masusuri natin ang mga tanong mula sa walang-hanggang pananaw ay ang pag-reframe ng mga tanong (o tingnan ang mga ito sa ibang paraan) batay sa itinuro ng Panginoon (tingnan sa talata 8–9 ng Doctrinal Mastery Core Document [2023]).
Bukod pa sa pagtutuon sa mga estudyante sa Core Document, maaari mo ring ituon ang mga estudyante sa “Ang plano ng kaligtasan ng Diyos ay nagbibigay ng pananaw,” na makikita sa bahaging “Ituon ang Iyong Buhay kay Jesucristo” sa “Paghahanap ng mga Sagot sa Iyong mga Tanong” sa Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library.Para ipakita ang magagawa ng mga estudyante sa tanong ni Paul, maaari mong ipanood ang “Examining Questions with an Eternal Perspective” (2:56), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Maaari kang magdrowing ng larawan ng isang frame sa pisara.Isulat ang alalahanin ni Paul sa gitna ng frame.Maaaring ilista ng mga estudyante ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa paligid ng frame.
-
Ano ang maaaring ipagpalagay ni Paul tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at sa Kanyang pakikitungo sa Kanyang mga anak?Ano ang maaaring ipagpalagay ni Paul tungkol sa kanyang sarili?
Kabilang sa mga posibleng sagot na maaaring mahanap ng mga estudyante ang “Hindi ako mahal ng Diyos,” “ang templo ay para lamang sa mga taong perpekto,” at “ang aking mga pagkakamali ang magtatakda sa kung sino ako.”
-
Paano maaaring makaapekto ang mga palagay na ito sa ugnayan ni Paul sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Burahin ang mga pagpapalagay at magdrowing ng bagong frame sa pisara.Pagkatapos ay maaaring magsanay ang mga estudyante na ibahin ang kanilang pagtingin sa alalahanin ni Paul.Sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang mga katotohanan at mga doctrinal mastery passage reference sa paligid ng bagong frame.
-
Anong mga katotohanan tungkol sa plano ng Ama sa Langit o mula sa mga turo ng Tagapagligtas ang makatutulong kay Paul na ibahin ang kanyang pananaw sa alalahanin niya o makita ito sa pananaw ng Diyos?
-
Anong mga doctrinal mastery scripture passage ang maibabahagi ninyo kay Paul?Bakit?
Kabilang sa mga posibleng sagot ng estudyante ang:
-
Kailangan nating maging karapat-dapat na pumasok sa templo (tingnan sa Mga Awit 24:3–4).
-
Maaari tayong linisin ng Panginoon sa ating mga kasalanan at gawin tayong karapat-dapat (tingnan sa Isaias 1:18; 53:3–5).
-
Ang pagkatao natin ay nakabatay sa ating identidad bilang mga anak ng Diyos (tingnan sa Genesis 1:26–27), hindi sa ating mga kasalanan at pagkakamali.
Maaari mong ibahagi ang pahayag mula kay Elder Quentin L. Cook sa Karagdagang Resources.
Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila, anyayahan silang gawin ang sumusunod.
Gamit ang natutuhan at nadama ninyo ngayon, magsulat ng tugon kay Paul na makatutulong sa kanya na tingnan ang kanyang tanong nang may walang-hanggang pananaw sa plano ng Ama sa Langit at sa mga turo ni Jesucristo.
Anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang sagot.Habang nakikinig ang mga estudyante sa iba, sabihin sa kanila na isipin kung ano kaya ang madarama ni Paul kapag narinig niya ang mga sagot na ito.
Kung may maiisip kang isang karanasan, maaari mong ibahagi kung paano nakatulong sa iyo ang alituntunin ng pagsusuri sa mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw na malutas ang mga tanong o alalahanin.