“Mga Awit 51: ‘Linisin Mo Ako sa Aking Kasalanan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Awit 51: ‘Linisin Mo Ako sa Aking Kasalanan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86: Lesson 104
Mga Awit 51
“Linisin Mo Ako sa Aking Kasalanan”
Nagsulat si David ng isang awit na nagpapahayag ng kanyang pagnanais na mapatawad sa mga kasalanang nagawa niya.Ipinakita niya ang kanyang hangarin na taos-pusong magsisi.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na kapag nagsisi sila, malilinis sila ng Tagapagligtas.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang kanilang sarili sa sumusunod na sitwasyon: Isipin kunwari na sinabi sa iyo ng isang kaibigan mo na alam niya na kailangan niyang magsisi ngunit iniisip niya kung paano.Ano ang gusto mong maunawaan niya tungkol sa pagsisisi at sa tungkulin ng Tagapagligtas na madaig ang kasalanan?
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagsisisi
Ang sumusunod na aktibidad ay nagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang kasalukuyang pagkaunawa sa pagsisisi.Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.
Isipin kunwari na ang sumusunod na tanong mula sa isang kabataan na hindi nagpakilala ay isinama sa edisyon ng magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan ngayong buwan:
“Nakagawa ako kamakailan ng ilang napakabigat na kasalanan na talagang ikinalungkot ko.Hindi talaga ako sigurado kung paano magsisi.Ang totoo, iniisip ko kung may magagawa pa ba ang aking pagsisisi.Matutulungan mo ba ko?”
Sa iyong study journal, gamit ang nalalaman mo tungkol sa pagsisisi, isulat kung ano ang sa tingin mo ay makatutulong na malaman at maunawaan ng taong ito.
Habang binabasa ng mga estudyante ang tanong ng taong hindi nagpakilala at isinusulat ang kanilang mga sagot, maaaring may maisip sila na mga karagdagang tanong.Maaari mo silang anyayahan na magsulat ng anumang iba pang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa pagsisisi.Tulungan silang malaman na sa oras ng lesson ay magkakaroon sila ng mga pagkakataong pag-aralan pa ang tungkol sa pagsisisi.Magpatotoo na bibigyan sila ng Espiritu ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa pagsisisi kapag mapanalangin nilang hahanapin ang mga sagot sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral sa loob at labas ng klase.
Taos-pusong pagsisisi
Itanong sa mga estudyante kung ano ang nalalaman nila tungkol ka Haring David.Maaari mong hilingin sa kanila na magbahagi ng ilan sa mga dakilang bagay na ginawa niya at maging ang ilan sa mga kasalanang nagawa niya.Ibahagi sa mga estudyante ang alinman sa sumusunod na konteksto na hindi nila binanggit sa kanilang buod.
Si David ay “nagkasala ng mabibigat; subalit … siya ay may kakayahang tunay na magsisi [at] samakatwid, nakatagpo siya ng kapatawaran, maliban sa pagpaslang kay Uria” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “David”, tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 42:18).Sa Mga Awit 51, nagsulat si David ng awit sa Diyos kung saan ipanabatid niya ang kanyang mga nadaramang pagsisisi kasunod ng kanyang pagkakasala kay Batseba (tingnan sa 2 Samuel 11–12).Ang kababaang-loob at taos-pusong hangarin ni David na mapanumbalik sa biyaya at pagtanggap ng Diyos ay nagpapakita ng katangian ng isang taong nagsisikap na tunay na magsisi.
Maaari munang pag-aralan ng mga estudyante ang Mga Awit 51 nang mag-isa at alamin kung ano ang natutuhan nila tungkol sa pagsisisi; pagkatapos ay maaari kang magbigay sa kanila ng isang paraan upang ibahagi ang kanilang natuklasan at natutuhan.Narito ang ilang tagubilin na susundin ng mga estudyante na maaari mong idispley.Maaari mong iakma ang alinman sa mga tagubiling ito upang mas matugunan ang mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante.
Pag-aralan ang Mga Awit 51:1–19 nang mag-isa at alamin kung ano ang matututuhan natin mula sa awit ni David tungkol sa (1) Diyos, o sa (2) pagsisisi.Markahan ang malalaman mo.
Tumukoy ng tatlong pariralang minarkahan mo at gawin ang isa sa mga sumusunod:
-
Magsulat ng pahayag ng katotohanan na itinuturo ng parirala tungkol sa Diyos o sa pagsisisi.
-
Maghanap ng cross-reference na nagpapatunay o nagpapalalim sa iyong pag-unawa sa kahulugan ng parirala.
-
Maghanap ng pahayag mula sa isang lider ng Simbahan na makatutulong sa pag-unawa.
-
Magsulat ng tanong tungkol sa parirala.
Ang isang paraan para matutulungan mo ang mga estudyante na maghandang magbahagi ay ang pagsusulat ng 1–19 sa pisara.Sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga pangalan sa tabi ng mga numero ng talata na naglalaman ng isang parirala na handa nilang ibahagi ang cross-reference, pahayag, o tanong.Kapag tapos na sila, maaari mong anyayahang magbahagi ang mga estudyante.Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong ilista sa pisara ang mga pahayag ng katotohanan.
Nasa ibaba ang ilang nilalaman na maaari mong ibahagi bilang bahagi ng talakayan.Ang mga banal na kasulatan at pahayag ay isinaayos ayon sa pagkakapangkat ng mga talata at mga naka-bold letter na katotohanan.Sikaping sundin ang anumang pahiwatig ng Espiritu na maaari mong matanggap tungkol sa kung ano ang ibabahagi o itatanong.
Mga Awit 51:1–2, 7, 9: May kapangyarihan ang Diyos na linisin ako mula sa aking kasalanan.
Isaias 1:18
Pinatotohanan ni Pangulong Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
[G]aano man karaming pagkakamali ang inaakala ninyong nagawa ninyo … o gaano man kayo napalayo sa inyong tahanan at pamilya at sa Diyos, pinatototohanan ko na hindi pa rin kayo ganap na napalayo sa pag-ibig ng Diyos.Hindi posibleng lumubog kayo nang mas malalim kaysa kayang abutin ng walang-hanggang liwanag ng Pagbabayad-sala ni Cristo.(“Mga Manggagawa sa Ubasan,” Liahona, Mayo 2012, 33)
Mga Awit 51:3–4: Ang pagtatapat ng ating kasalanan sa harap ng Diyos ay kailangan para sa pagsisisi.
Doktrina at mga Tipan 58:42–43
Ipinaliwanag ng Pangkalahatang Hanbuk:
Ang pagsisisi ay nangangailangan ng pagtatapat ng kasalanan sa Ama sa Langit. …
Kapag nakagawa ng mabibigat na kasalanan ang mga miyembro ng Simbahan, bahagi rin ng kanilang pagsisisi ang pagtatapat sa kanilang bishop o stake president.Pagkatapos ay magagamit niya ang mga susi ng ebanghelyo ng pagsisisi para sa kanila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13:1; 84:26–27; 107:18, 20).Tinutulungan sila nito na gumaling at bumalik sa landas ng ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
… Ipinakikita ng boluntaryong pagtatapat na nais ng isang tao na magsisi.(Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 32.4.1, Gospel Library)
Mga Awit 51:10–12: Kapag nagsisi tayo, matutulungan tayo ng Diyos na magbago, makadama ng kagalakan, at mapasaatin ang Espiritu Santo.
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Kapag pinipili nating magsisi, pinipili nating magbago!Tinutulutan natin ang Tagapagligtas na baguhin tayo at gawin tayong pinakamabuting bersyon ng ating sarili.Pinipili nating umunlad sa espirituwal at magkaroon ng kagalakan—ang kagalakan na matubos Niya.Kapag pinipili nating magsisi, pinipili nating maging higit na katulad ni Jesucristo!(“Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay,” Liahona, Mayo 2019, 67)
Mga Awit 51:16–17: Kinakailangan kong magkaroon ng bagbag at nagsisising puso at espiritu upang tunay na magsisi sa harapan ng Diyos.
Ipinaliwanag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng bagbag na puso ay ang pagiging mapagpakumbaba, nagsisisi, at maamo, sabik sa pagtanggap sa kalooban ng Diyos.Ang nagsisising espiritu ay inilalagay ang sariling interes sa mga kamay ng Diyos, naniniwala na ang Kanyang kalooban, hindi ang kalooban natin, ang siyang tutulong sa atin na maging kung sino dapat tayo na maging.(The Divine Gift of Forgiveness [Ang Banal na Kaloob na Pagpapatawad] [2019], 153)
Ipaliwanag ang pagsisisi
Para matulungan ang mga estudyante na maipakita ang kanilang pag-unawa sa taos-pusong pagsisisi at ang tungkulin ng Tagapagligtas dito, anyayahan silang balikan ang natutuhan nila sa klase ngayon.
Balikan ang isinulat mo sa simula ng klase tungkol sa tanong sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan.Gamit ang natutuhan ninyo ngayon tungkol sa taos-pusong pagsisisi, magdagdag ng dalawa o tatlong pangungusap sa inyong unang sagot.
Maaari mong anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi kung paano nila sasagutin ang tanong.Hikayatin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mensahe sa isang kaibigan o kapamilya na sa tingin nila ay pagpapalain kung maririnig ito.
Maaari mong tapusin ang klase sa pag-anyaya sa mga estudyante na bumaling sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapatotoo tungkol sa Kanyang kapangyarihang gawin tayong malinis kapag nagsisisi tayo.