Seminary
Mga Awit 61–86: “O Diyos, Dalangin Ko’y Pakinggan Mo”


“Mga Awit 61–86: ‘O Diyos, Dalangin Ko‘y Pakinggan Mo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Awit 61–86: ‘O Diyos, Dalangin Ko‘y Pakinggan Mo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86: Lesson 105

Mga Awit 61–86

“O Diyos, Dalangin Ko‘y Pakinggan Mo”

A women with her hands together, she is praying

Maaaring makaisip ka ng mga sandali sa iyong buhay na ninais mong mapalapit sa Ama sa Langit.Marami sa Mga Awit ay mga taos-pusong panalangin na nagbibigay ng halimbawa ng paglapit sa Ama sa Langit nang may mapagpakumbabang pananampalataya.Ang panalangin ay isang mabisang kasangkapan na nagbibigay-daan sa sinuman sa anumang oras na humingi sa Diyos ng kapanatagan, lakas, o patnubay.Tulad sa maraming kasangkapan, matututuhan nating gamitin ang panalangin nang mas epektibo.Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makipag-ugnayan nang mas makabuluhan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pagtuunan ng pansin mula ngayon hanggang sa susunod na klase kung paano nila nadaramang nakakaugnay sila sa Ama sa Langit sa kanilang mga panalangin.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maingat laban sa kaswal

Bago magkalase, isulat sa pisara ang “maingat” at “kaswal.”Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante ang mga sumusunod na kahulugan ng mga salitang ito.Maingat: ginawa nang pinag-iisipan o pinagtutuunan.Kaswal: basta-basta lang o walang pakialam.

Maaari mong pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo ang mga estudyante para ibahagi kung ano sa palagay nila ang mangyayari kung magiging maingat o kaswal sila sa mga sumusunod na aktibidad.Bilang alternatibo, maaari mong anyayahan ang mga magkakapartner o grupo na mag-isip ng mga bagay na maingat at kaswal nilang ginagawa.

Paglalaro ng sport

Pagkatuto sa paggamit ng instrumento

Gawain sa paaralan

Pagkatapos magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na magbahagi, isulat sa pisara ang “panalangin.”

  • Ano kaya ang mangyayari kapag maingat o kaswal sa panalangin?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila ginagawa sa kasalukuyan ang sarili nilang mga panalangin.Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito.Tiyakin sa mga estudyante na hindi nila ibabahagi sa iba ang kanilang mga sagot.

Tahimik na pag-isipan ang inyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Itinuturing mo bang mas maingat ang iyong mga panalangin o mas kaswal?Bakit?

  • Paano ka mapagpapala kung ang iyong mga panalangin ay mas maingat at makabuluhan?

Ang mga nakaraang tanong ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa buhay.

icon ng seminaryKapag nakikita ng mga mag-aaral kung paano nauugnay ang kanilang natututuhan sa kanilang mga kalagayan sa buhay, mas malamang na maipapamuhay nila ang mga turo ng Tagapagligtas.Matutulungan mo ang mga estudyante na makahanap ng personal na kaugnayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa buhay.(Para sa karagdagang training sa paglikha ng mga nauugnay na karanasan sa pagkatuto, tingnan ang “Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro [2022].)

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magtanong ng anuman tungkol sa panalangin.

Marami sa mga awit ay mga taos-pusong panalangin na nagbibigay ng halimbawa ng paglapit sa Ama sa Langit nang may mapagpakumbabang pananampalataya.Habang pinag-aaralan ninyo ang mga awit na ito, maging sensitibo sa mga kaisipan at damdamin na magmumula sa Espiritu Santo tungkol sa kung paano makipag-ugnayan nang mas makabuluhan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.

Ang mga awit ay maaaring magturo sa atin tungkol sa panalangin

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan kung paano sila makikipag-ugnayan nang mas makabuluhan sa Ama sa Langit sa panalangin, maaari mong ipakita sa pisara ang sumusunod na mga scripture passage at tanong.Maaaring basahin ng mga estudyante ang isang scripture passage, at pagkatapos ay isipin kung paano nito sinasagot ang isa o mahigit pa sa mga tanong.

Maaaring makatulong ang tahimik na pagpapatugtog ng instrumental na musika habang nag-aaral ang mga estudyante.

Basahin ang kahit tatlo sa sumusunod na mga scripture passage, at alamin ang mga sagot sa isa o mahigit pa sa mga kasunod na tanong.

Mga Awit 55:16–17

Mga Awit 61:1–3

Mga Awit 63:1–7

Mga Awit 69:13–18

Mga Awit 86:3–12

  • Kailan ako dapat manalangin sa Ama sa Langit?

  • Paano ako magiging mas maingat sa aking mga panalangin?

  • Ano ang dapat na maging pag-uugali ko kapag lumalapit sa Ama sa Langit sa panalangin?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.Bilang bahagi ng talakayan, isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag: Maaaring maging mas makabuluhan ang ating mga panalangin sa Ama sa Langit kapag …

Sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang pahayag gamit ang natutuhan nila tungkol sa panalangin mula sa mga awit na binasa nila.Kasama sa ilang halimbawa ng mga maaaring sabihin ng mga estudyante ang sumusunod:

manalangin sa anumang oras ng araw (tingnan sa Mga Awit 55:16–17).

manalangin kapag nahihirapan tayo (tingnan sa Mga Awit 61:2).

manalangin para sa kaligtasan (tingnan sa Mga Awit 69:13–18).

manalangin para sa awa (tingnan sa Mga Awit 86:3–5).

manalangin nang may pagmamahal, pagpipitagan, at papuri (tingnan sa Mga Awit 63:4–6; 86:8–13).

Pagdarasal nang may pagmamahal at pagpipitagan sa Ama sa Langit

Ang bahaging ito ng lesson ay nakatuon sa katotohanang ito: Maaaring maging mas makabuluhan ang ating mga panalangin sa Ama sa Langit kapag nananalangin tayo nang may pagmamahal, pagpipitagan, at papuri.

Ang isang paraan upang manalangin tayo sa Ama sa Langit nang may higit na pagmamahal at pagpipitagan ay sa pamamagitan ng tono at mga salita ng ating panalangin.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang natatanging wika ng panalangin ay ayon sa magkakaibang anyo ng pananalita sa iba’t ibang wika, ngunit ang alituntunin ay pareho pa rin.Dapat nating iukol ang ating mga panalangin sa ating Ama sa Langit sa mga salitang maiuugnay ng mga nagsasalita ng wikang iyon sa pagmamahal at paggalang at pagpipitagan at pagiging malapit. …

… Hinahangad nating masunod ang itinuro ng Tagapagligtas, “At sa pananalangin ay huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang paulit-ulit, na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat inaakala nilang sila ay pakikinggan dahil sa marami nilang salita.”[Mateo 6:7; tingnan din sa 3 Nephi 13:7.]Ang ating mga panalangin ay dapat maging simple, tuwiran, at tapat.(“The Language of Prayer,” Ensign, Mayo 1993, 16)

Maaari mong ipaliwanag na maipapakita natin ang pagmamahal, paggalang, at pagpipitagan sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ninyo, inyo, at kayo.Tingnan ang “The Language of Prayer,” Ensign, Mayo 1993, para sa mas maraming impormasyon.

Isipin ang mga salitang ginagamit ninyo sa inyong mga panalangin at kung paano ito nagpapakita ng inyong nadarama para sa Ama sa Langit.

  • Bakit makabubuti ang pagsisikap na gumamit ng magalang at mapitagang wika sa inyong mga panalangin?

Basahin ang Mateo 6:5–13 at alamin kung paano ipinakita ni Jesucristo sa panalangin ang pagmamahal at pagpipitagan sa Ama sa Langit.

  • Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga turo at halimbawa ng Tagapagligtas na maaaring makaimpluwensya sa paraan ng inyong pananalangin?

  • Paano napagpala ng taimtim na panalangin ang inyong buhay?

Pagsasabuhay

Ang sumusunod na diagram ay makatutulong sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan para maipamuhay ang natutuhan nila tungkol sa panalangin.Anyayahan ang mga estudyante na idrowing ang diagram sa kanilang study journal.Pagkatapos ay anyayahan sila na magsulat ng mga sagot sa mga tanong sa graphic sa bawat bahagi.

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang isinulat nila ay mga bagay na maaari nilang simulang ipamuhay ngayon.Anyayahan silang gawin ang isa o dalawa sa mga bagay na isinulat nila.Kung magagawa ng mga estudyante, maaari mo silang anyayahan na kunan ng retrato ang kanilang graphic upang maalala ang isinulat nila.

Isiping ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kung paano tayo makikipag-ugnayan sa Ama sa Langit sa mga makabuluhang paraan sa pamamagitan ng panalangin.