“Mga Awit 102–3; 110; 116–19; 127–28; 135–39; 146–50: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Awit 102–3; 110; 116–19; 127–28; 135–39; 146–50: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Awit 102–3; 110; 116–19; 127–28; 135–39; 146–50
Mga Awit 102–3; 110; 116–19; 127–28; 135–39; 146–50
Buod
Sa Mga Awit, makikita natin ang mga paghahambing na tumutulong sa atin na maunawaan ang kapangyarihan ng salita ng Diyos, at nahihikayat tayong magpasalamat sa Panginoon, sa Kanyang mga pagpapala, at sa Kanyang walang hanggang pagmamahal.
Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto. Ang espirituwal na paghahanda ay mahalaga—para sa iyo at sa mga taong tinuturuan mo. Noong bumisita sa Amerika, sinabi ng Tagapagligtas sa karamihan, “Magsiuwi kayo sa inyong mga tahanan, at … ihanda ang inyong mga isip para sa kinabukasan“ (3 Nephi 17:3). Maghanap ng mga paraan kung paano mo matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at hikayatin ang iyong mga estudyante na maghandang matuto sa seminary. Upang malaman pa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghandang Matuto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 25). Ang isang halimbawa ng paghahanda sa mga estudyante na matuto ay matatagpuan sa paghahanda ng estudyante para sa Lesson 107: “Mga Awit 119” (tingnan sa ibaba).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Awit 119
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano na pag-aralan ang salita ng Diyos.
Ang pag-anyaya sa mga mag-aaral na kumpletuhin ang maiikling assignment o aktibidad bago ang susunod na klase ay makapaghahanda sa kanila na matuto pa. Ang mga aktibidad na ito ay makapagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong pag-aralan ang mga banal na kasulatan, pagnilayan ang mga paksa ng ebanghelyo, at maturuan ng Espiritu Santo. Ang sumusunod na paghahanda ng estudyante ay isang halimbawa:
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na personal na pag-aralan ang mga banal na kasulatan bago ang susunod na klase. Sabihin sa kanila na pagnilayan kung nadarama nila ang patnubay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral ng banal na kasulatan. Kung oo, may naiisip ba silang anumang halimbawa?
Para sa karagdagang pagsasanay sa paghahanda ng mga estudyante, tingnan sa “Gumawa ng mga paanyaya na tutulong sa mga mag-aaral na maghanda para sa susunod na karanasan sa pagkatuto“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.
-
Karagdagang paghahanda ng estudyante: Maaari mo ring hilingin sa mga estudyante na magdala ng isang bagay na makatutulong na kumpletuhin ang sumusunod na pahayag: “Ang mga banal na kasulatan ay tulad ng dahil .“
-
Mga Item: Isang ilawan o flashlight; isang himnaryo; mga barya (o isang bagay na kumakatawan sa kayamanan); pulot (o isang bagay na matamis); larawan ng isang landas; larawan ng isang counselor (halimbawa, isang tagapayo sa Unang Panguluhan ng Simbahan o counselor sa paaralan)
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa mga estudyante na pag-aralan ang isa sa limang scripture passage
-
Video: “Paano ko Ginagawang Pakinggan Siya: Elder David A. Bednar” (1:15)
Mga Awit 136
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag nagpapasalamat sila sa Kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-alay ng panalangin na nagpapasalamat sa Ama sa Langit nang walang hinihinging kapalit. Maaaring maghanda ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga impresyon mula sa karanasan.
-
Handout: “Mga Awit 136: Pasasalamat sa Panginoon“
-
Video: “Principles of Peace: Gratitude” (2:32)