Seminary
Job 1–3; 12–13: “Ako’y Aasa Pa Rin sa Kanya”


“Job 1–3; 12–13: ‘Ako’y Aasa Pa Rin sa Kanya,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Job 1–3; 12–13: ‘Ako’y Aasa Pa Rin sa Kanya,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: Lesson 97

Job 1–3; 12–13

“Ako’y Aasa Pa Rin sa Kanya”

The Old Testament prophet Job depicted kneeling on the ground looking up to the light of the Lord. His friends are in the background of the painting. Job has one hand stretched toward the light. (Job 42:1-8)

Nahirapan ka na bang maging tapat sa Diyos sa mga panahon ng paghihirap?Si Job ay isang tapat na tao na nagtamasa ng masaganang buhay.Nawalan si Job ng kayamanan, mga anak, at kalusugan nang hindi inaasahan.Gayunpaman, hindi nawala ang pananampalataya ni Job kay Jesucristo.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa panahon ng mga pagsubok.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano sila tumugon sa kanilang mga pagsubok.Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handang talakayin ang kanilang mga karanasan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Bago simulan ang lesson para sa araw na ito, maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na ang susunod na ilang aklat (Job–Awit ng mga Awit [Song of Solomon]) ay kilala bilang mga aklat ng tula o panitikan ng karunungan.Ang mga aklat na ito ay isinulat sa anyong patula at hindi naglalayong magpahayag ng kasaysayan.Tulad ng ibang banal na kasulatan, maitutuon tayo ng mga aklat na ito kay Jesucristo at matutulungan tayong sundin Siya.(Tandaan: Sinabi ni Joseph Smith na ang Awit ng mga Awit [Song of Solomon] ay “hindi inspiradong akda“ [Joseph Smith Translation, note on Song of Solomon].)

Paano tayo tumutugon sa mga pagsubok

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagsulat sa pisara ng “Tao A“ at “Tao B.“Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng isang sitwasyon para sa bawat tao, ang isa ay naglalarawan ng pangmatagalang pagsubok at ang isa ay naglalarawan ng panandaliang pagsubok.Maaaring makatulong ang mga sumusunod na prompt.

  1. Mula noong bata pa si Tao A, kinailangan na niyang humarap sa …

  2. Lalo pang hindi gumaganda ang araw na ito kay Tao B. Nagsimula ito sa …

Matapos magawa ng mga estudyante ang dalawang sitwasyon, anyayahan silang talakayin ang mga sumusunod na tanong para kay “Tao A” at “Tao B.”Maaari nila itong gawin nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

  • Ano ang mangyayari kung hindi maganda ang naging tugon ng taong ito sa pagsubok?

  • Ano ang maaaring mangyari kung maganda ang tugon ng taong ito sa pagsubok na ito?

  • Ano ang maaaring mangyari kung tumugon ang taong ito sa pagsubok na ito nang may tiwala sa Ama sa Langit?

Pagkatapos magkaroon ng oras na magtalakayan ang mga estudyante, tulungan sila na isipin kung paano sila tumutugon sa sarili nilang mga pagsubok.Ang sumusunod ay isang paraan kung paano mo ito magagawa.

Sa scale na 1–5 (ang 1 ay hindi totoo tungkol sa iyo at 5 ay napakatotoo tungkol sa iyo), isipin kung gaano katotoo ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa iyo:

  • Mahusay kong nahaharap ang mga pagsubok.

  • Humuhugot ako ng lakas sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag may mga pagsubok.

Maging bukas na maramdaman o matutuhan ang mga bagay tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na maaaring makatulong sa inyong humarap sa inyong mga pagsubok nang may higit na tiwala sa Kanila.

Buhay ni Job

Basahin ang Job 1:1–3, at alamin ang tungkol kay Job.(Tandaan: ang salitang walang kapintasan ay nangangahulugang “ganap, matwid, may integridad.“)

  • Ano ang nalaman ninyo?

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante.Bago ipagpatuloy ang kuwento ni Job, maaari mong basahin o ibuod ang sumusunod.

Mahalagang maunawaan na si Job ay isang tunay na tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 121:10), ngunit isinalaysay ang buhay ni Job gamit ang ilang masining na elemento.Halimbawa, sa pagsisimula ng kuwento tungkol kay Job, ang Panginoon at si Satanas ay inilalarawan na nag-usap nang dalawang beses.Ang mga ito ay hindi aktuwal na pag-uusap ng Panginoon at ni Satanas ngunit ipinapakita nito ang ginagawa ni Satanas bilang ating kalaban o kaaway.Maaaring masining na paraan ang mga ito upang maihanda ang mambabasa para sa susunod na mangyayari sa buhay ni Job—ang kanyang mga paghihirap, tukso, at pagkawala ng mga makamundong bagay.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang unang pag-uusap, maaari mong ipabasa ito sa tatlong boluntaryo.Maaaring basahin ng isang boluntaryo ang mga salita ng tagapagsalaysay, ang isa pa ay ang mga salita ng Panginoon, at ang pangatlo ang mga salita ni Satanas.Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga salita nang hindi isinasadula ang mga ito sa anumang paraan.Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong para pag-isipan ng mga estudyante habang nakikinig sila.

Basahin ang Job 1:6–12, at hanapin ang sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang mga sinabi ni Satanas tungkol sa pagiging matwid ni Job?

  • Ano ang gustong mangyari ni Satanas kay Job?

Hayaan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot.Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na sinabi ni Satanas na matwid lamang si Job dahil pinagpala siya ng Panginoon.Nais ni Satanas na alisin ang mga pagpapala ni Job upang patunayan ang pahayag na iyon.

Halimbawa ni Job

Para sa susunod na bahagi ng kuwento tungkol kay Job, maaari kang gumawa ng chart tulad ng sumusunod sa pisara.Pagkatapos ay maaari mong pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo ang mga estudyante para kumpletuhin ang chart.Hilingin sa mga grupo na talakayin ang mga kasunod na tanong.Maaaring maging kapaki-pakinabang na lumibot para tulungan at hikayatin ang mga estudyante.(Tandaan: Ang mga bukol ay masasakit na sugat sa balat.“Pinunit” ni Job ang kanyang mga damit at inahitan ang kanyang ulo bilang mga palatandaan ng pagdadalamhati.)

Ano ang dinanas ni Job?

Paano tumugon si Job?

Ano ang dinanas ni Job?

Basahin ang Job 1:13–19; 2:7.

Paano tumugon si Job?

Basahin ang Job 1:20–22; 2:9–10; 13:15; 23:10.

  • Ano ang tumimo sa inyo sa tugon ni Job?

  • Ano ang maaaring naunawaan ni Job tungkol sa Diyos para tumugon sa paraang ginawa niya?

    Maaaring banggitin ng mga estudyante na kinilala ni Job na nagmula sa Diyos ang kanyang mga pagpapala (tingnan sa Job 1:21), naunawaan niya na ang mga pagsubok ay bahagi ng plano ng Diyos (tingnan sa Job 2:10), at alam niya na alam ng Diyos ang tungkol sa kanya at na dadalisayin siya ng kanyang mga pagsubok (tingnan sa Job 23:10).

    Pagkatapos kumpletuhin ng mga estudyante ang aktibidad, tulungan silang matukoy ang isang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng sumusunod.

  • Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Job na makatutulong sa atin sa panahon ng mga pagsubok?

Kabilang sa iba pang mga sagot, maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang bagay na tulad ng: maaari nating piliing magtiwala sa Diyos sa panahon ng ating mga pagsubok.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na hanapin at markahan kung saan nila nakikita ang katotohanang ito sa Job 13:15.

Mga halimbawa sa banal na kasulatan

Mag-isip ng mga paraan kung paano mo matutulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala sa Ama sa Langit sa panahon ng kanilang mga pagsubok.Ang isang paraan ay ipahanap sa mga estudyante ang mga banal na kasulatan kung saan ipinaliwanag ng mga tao ang kanilang mga dahilan kung bakit nagtitiwala sila sa Diyos sa panahon ng pagsubok sa kanila.Maaaring gawin ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad.

  1. Maghanap ng halimbawa sa mga banal na kasulatan kung saan pinili ng isang tao na magtiwala sa Diyos sa panahon ng kanyang mga pagsubok.

  2. Markahan ang mga salita o parirala na nagpapaliwanag kung bakit nagtiwala ang taong ito sa Diyos.

  3. Maghandang ipaliwanag kung paano nakatulong o makatutulong sa iyo na magtiwala sa Diyos ang mga konseptong minarkahan mo.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagtukoy ng mga salaysay sa banal na kasulatan, maaari mo silang anyayahan na hanapin ang “Pagtitiwala, tiwala“ sa Gospel Library.O maaari kang magbigay ng mga halimbawa tulad ng:

Daniel 2:19–23—Hinarap ni Daniel ang utos ni Haring Nebukadnezar na ang lahat ng pantas sa kaharian (kabilang si Daniel) ay papatayin kung walang makapagbibigay-kahulugan sa kanyang panaginip.

2 Nephi 4:17–23—Nagdalamhati si Nephi dahil sa sarili niyang mga kahinaan at nadama ang kanyang kakulangan.

Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa maliliit na grupo o sa klase ang nalaman nila.Maaari mo ring ipanood sa mga estudyante ang “Mountains to Climb” (5:05), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.Ipahanap sa kanila ang ibinahagi ni Pangulong Eyring na makapagdaragdag ng kanilang tiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa panahon ng mga pagsubok.

5:12

Pangwakas

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na magsulat ng maikling sulat para sa kanilang sarili o magpadala ng text sa kanilang sarili na sinasagot ang sumusunod na tanong.Kung magsusulat sila ng maikling sulat, anyayahan silang itupi ito at ilagay sa kanilang bulsa o sa isang lugar kung saan makikita nila ito kalaunan sa araw na iyon.Maaari kang magpatugtog ng malumanay na instrumental na musika habang nagsusulat ang mga estudyante.

  • Ano ang nadama mo ngayon na nakatulong sa iyo na magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa panahon ng mga pagsubok?