“Melchizedek Priesthood,” Mga Paksa at Mga Tanong (2025)
Overview
Melchizedek Priesthood
Ang Melchizedek Priesthood ang nakatataas na priesthood sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, at ang nakabababa naman ay ang Aaronic Priesthood. Ang matatapat na lalaking miyembro ng Simbahan ay maaaring matanggap ang Melchizedek Priesthood simula sa edad na 18. Ang pangalang Melchizedek Priesthood ay nagmula sa isang mahalagang high priest na nabuhay noong panahon ni propetang Abraham.
Ang mas mataas na priesthood na ito ay ipinagkaloob kay Adan at narito sa mundo sa tuwing inihahayag ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo. Inalis ito sa mundo noong panahon ng Malawakang Apostasiya, pero ipinanumbalik noong 1829 nang igawad ito ng mga Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.
Mga Pribilehiyo at Mga Responsibilidad ng Melchizedek Priesthood
Kapag tinanggap ng isang lalaki ang Melchizedek Priesthood, pumapasok siya sa sumpa at tipan ng priesthood. Siya ay nakikipagtipan na magiging tapat, gagampanan ang kanyang tungkulin, “[makikinig] nang mabuti sa mga salita ng buhay na walang hanggan,” at “mabubuhay sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.” Ang mga tumutupad sa tipan na ito ay pababanalin, o gagawing malinis at banal, sa pamamagitan ng Espiritu at tatanggapin ang “lahat ng mayroon ang ... Ama.”
Ang mga karapat-dapat na mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay mayroong awtoridad na basbasan ang maysakit at magbigay ng mga espesyal na basbas sa mga kapamilya at sa iba pa. Ang kalalakihan sa Simbahan ay dapat ding maging karapat-dapat na mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood upang makatanggap ng endowment sa templo at mabuklod sa kanilang mga pamilya sa kawalang-hanggan.
Sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood at sa ilalim ng pamamahala ng Panginoong Jesucristo, ginagabayan ng mga lider ang Simbahan at pinangangasiwaan ang pangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo. Itinuro din ng Panginoon na makikita natin ang Kanyang kapangyarihan sa mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood.
Ang mga Katungkulan sa Melchizedek Priesthood
Ang mga katungkulan sa Melchizedek Priesthood ay elder, high priest, patriarch, Pitumpu, at Apostol. Ang Pangulo ng Melchizedek Priesthood ay ang Pangulo ng Simbahan.
Elder. Maaaring gampanan ng mga elder ang mga tungkulin ng Aaronic Priesthood. Bukod pa rito, sa pahintulot ng mga namumunong lider ng priesthood, maaari nilang igawad ang Espiritu Santo at iorden ang iba pang karapat-dapat na kalalakihan sa mga katungkulan sa Aaronic at Melchizedek Priesthood. Maaari din silang magbigay ng mga basbas ng priesthood.
High Priest. Maaaring gampanan ng high priest ang lahat ng tungkulin ng elder at mayroon din siyang karapatang mangasiwa sa Simbahan. Ang mga stake president, mission president, high councilor, bishop at kanyang mga counselor, at iba pang mga lider ng Simbahan ay inoordenan bilang mga high priest.
Seventy. Ngayon, ang mga korum ng Pitumpu ay kinabibilangan ng mga General Authority Seventy at mga Area Seventy. Ang mga miyembro ng Pitumpu ay naglilingkod sa ngalan ng Panginoon sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ang mga General Authority ay naglilingkod nang full-time sa gawain ng Simbahan at naglilingkod sa buong mundo; ang mga Area Seventy ay naglilingkod nang part-time at karaniwang itinatalagang maglingkod sa loob ng limang taon sa kanilang lokal na lugar.
Patriarch. Ang patriarch ay isang taong mayhawak ng priesthood na inorden upang magbigay ng patriarchal blessing sa mga miyembro ng Simbahan.
Apostol. Ang Apostol isang inordenan na lider sa Melchizedek Priesthood. Ang mga apostol ay pinipili ng Pangulo ng Simbahan sa pamamagitan ng inspirasyon at inoordenan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sila ay naglilingkod bilang mga saksi ni Jesucristo sa buong mundo.
High Council
Ang high council ay binubuo ng labindalawang high priest. Ang mga kalalakihang ito ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency. Sila ay naglilingkod sa pamamagitan ng pagtuturo, pagbibigay ng training, at pamamahala sa ibang mga lider at programa ng stake at ward.
Mga Korum ng Melchizedek Priesthood
Ang korum ng priesthood ay isang organisadong grupo ng kalalakihan o kabataang lalaki na mayhawak ng priesthood. Ang mga miyembro ng korum “ay naglilingkod sa iba, tumutupad sa mga responsibilidad sa priesthood, bumubuo ng pagkakaisa, at pinag-aaralan at ipinapamuhay ang doktrina.”
Inoorganisa ang mga korum para sa Melchizedek Priesthood at Aaronic Priesthood. Ang bawat korum ay pinamumuan ng isang president na nagtataglay ng kinakailangang mga susi ng priesthood, o awtoridad, na pamunuan ang korum. Kung maaari, siya ay sinusuportahan ng dalawang counselor at isang secretary.
Bawat ward ay may isa o higit pang mga elders quorum. Ang elders quorum ay kinabibilangan ng lahat ng elder at prospective elder (kalalakihang edad 19 pataas na hindi pa hawak ang Melchizedek Priesthood) sa ward. Kabilang din dito ang mga high priest na kasalukuyang hindi naglilingkod sa mga calling na bumubuo sa stake high priests quorum.
Ang bawat stake ay may isang high priests quorum, na pinamumunuan ng stake president at kanyang mga counselor. Ang stake high priests quorum ay binubuo ng kasalukuyang mga bishop at kanilang mga counselor, mga high councilor, at mga functioning patriarch.
Ang mga Pitumpu at mga Apostol ay inoorganisa sa mga korum ng Melchizedek Priesthood sa pangkalahatang antas ng Simbahan. Ang mga Pitumpu ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ang Korum ng Labindalawang Apostol ang pangalawa sa pinakamataas na lupon na namamahala sa Simbahan. Ang Unang Panguluhan, na binubuo ng senior na Apostol ng Simbahan at dalawang iba pang Apostol, ang pinakamataas na namumunong lupon sa Simbahan at siyang namumuno sa buong Simbahan.