Library
Kapulungan sa Langit


“Kapulungan sa Langit,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

Estatwa ng Christus sa harap ng mural ng kalawakan

Buod

Kapulungan sa Langit

Sa buhay bago isilang sa mundo, tumawag ng isang Malaking Kapulungan ang ating Ama sa Langit upang ilahad ang Kanyang plano para sa ating pag-unlad. Nalaman natin na kung susundin natin ang Kanyang plano, magiging katulad Niya tayo. Tayo ay mabubuhay na mag-uli; tataglayin natin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa; magiging mga magulang tayo sa langit at magkakaroon ng mga espiritung anak na katulad Niya.

Nalaman natin na maglalaan Siya ng isang mundo para sa atin kung saan patutunayan natin ang ating mga sarili. Matatakpan ng lambong o tabing ang ating alaala, at malilimutan natin ang ating tahanan sa langit. Kakailanganin ito upang magamit ang ating kalayaan na pumili ng mabuti o masama nang hindi naiimpluwensyahan ng alaala ng pamumuhay sa piling ng ating Ama sa Langit. Tutulungan Niya tayong makilala ang katotohanan kapag muli natin itong narinig sa lupa.

Sa Malaking Kapulungan nalaman din natin ang layunin para sa ating pag-unlad: upang magkaroon ng lubos na kagalakan. Gayunman, nalaman din natin na ang ilan ay malilinlang, pipiliin ang ibang landas, at maliligaw. Nalaman natin na lahat tayo ay magkakaroon ng mga pagsubok sa ating mga buhay: karamdaman, kabiguan, pasakit, kalungkutan, at kamatayan. Ngunit naunawaan natin na ibibigay sa atin ang mga ito para sa ating karanasan at ikabubuti. Kung pahihintulutan natin, dadalisayin tayo ng mga pagsubok na ito sa halip na daigin tayo.

Sa kapulungang ito, nalaman din natin na dahil sa ating kahinaan, lahat tayo maliban sa maliliit na bata ay magkakasala. Nalaman natin na maglalaan ng isang Tagapagligtas para sa atin upang madaig natin ang ating mga kasalanan at ang kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli. Nalaman natin na kung sasampalataya tayo sa Kanya, na sinusunod ang Kanyang salita at tinutularan ang Kanyang halimbawa, tayo ay dadakilain at magiging katulad ng ating Ama sa Langit. Tatanggap tayo ng ganap na kagalakan.

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Content