Library
Kalayaan at Pananagutan


“Kalayaan at Pananagutan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

dalawang dalagita sa kakahuyan

Buod

Kalayaan at Pananagutan

Ang kalayaan ay ang kakayahan at pribilehiyong ibinibigay ng Diyos sa atin na pumili at kumilos para sa ating mga sarili. Ang kalayaan ay mahalaga sa plano ng kaligtasan. Kung walang kalayaan, hindi natin magagawang matuto o umunlad o sumunod sa Tagapagligtas. Dahil dito, tayo ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dakilang Tagapamagitan ng lahat ng tao, o piliin ang pagkabihag at kamatayan, alinsunod sa pagkabihag at kapangyarihan ng diyablo.”

Sa ating buhay bago isilang sa mundo, mayroon tayong kalayaang moral. Ang isang layunin ng buhay sa lupa ay upang ipakita kung ano ang ating mga pipiliin. Kung pinilit tayong piliin ang tama, hindi natin maipapakita kung ano ang pipiliin natin para sa ating mga sarili. Gayundin, mas masaya tayong gawin ang mga bagay-bagay kapag tayo ang gumawa ng sarili nating mga pagpili.

Kalayaan ang isa sa mga pangunahing paksang pinag-usapan sa Kapulungan sa Langit sa buhay bago isilang sa mundo. Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng alitan sa pagitan ng mga alagad ni Cristo at ng mga alagad ni Satanas.

Sinabi ng Panginoon na ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanilang sariling motibo, pag-uugali, hangarin, at kilos. Kahit malaya tayong piliin ang ating gagawin, hindi naman tayo malayang piliin ang mga ibubunga niyon. Ang mga bunga, mabuti man o masama, ay natural na resulta ng anumang pagpiling ginagawa natin.

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Content