Library
Mga Council ng Simbahan


“Mga Council ng Simbahan,” Mga Paksa at mga Tanong (2025)

grupo ng mga miyembro ng Simbahan

Overview

Council ng Simbahan, Mga

Ang layunin ng mga council ng Simbahan ay upang maghangad at makatanggap ng banal na paghahayag. Sinusunod ng mga council ng Simbahan ang huwaran ng kapulungan sa langit. Sa mga council ng Simbahan, tayo ay nakatatanggap ng inspirasyon kung paano gumawa ng mga desisyon, maglingkod nang mas mabuti sa mga indibiduwal at pamilya, at magplano at isagawa ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Binibigyang-diin ng mga council sa Simbahan ang pagtulong sa mga miyembro ng Simbahan na matanggap ang mga ordenansa at tumupad sa kaugnay na mga tipan.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay tinatawag, o pinipili sa pamamagitan ng paghahayag ng Diyos sa mga lider ng Simbahan, para maglingkod sa mga council. Sa pamamagitan ng maraming council sa Simbahan, ang mga kalalakihan at kababaihan ay tumutulong sa pamamahala sa gawain ng Panginoon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nakasaad sa Pangkalahatang Hanbuk na “pagyayamanin ang council ng iba’t ibang pinagmulan, edad, karanasan, at pananaw ng mga miyembro ng council.”

Ang mga council ay makatutulong sa atin na hangarin ang kalooban ng Panginoon nang may pagkakaisa at pananampalataya. Matatagpuan ang mga council sa lahat ng antas ng Simbahan at kabilang ang general, area, stake, ward, quorum, at iba pang mga council sa pamumuno. Hinahangad ng mga miyembro ng council na makiisa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa kanilang hangarin at layunin. Sa Simbahan, ang mga council ay hindi pinamamahalaan ng nakararami na karaniwan na sa maraming ibang organisasyon. Ang lider ng council ay hindi rin gumagawa ng desisyon sa kanyang sarili. Ang mga desisyon na ginagawa ng lider ng council ay batay sa impormasyong mula sa talakayan ng council at sa pagpapatibay ng Espiritu Santo.

Ginagabayan ng lider ang mga talakayan ng council at hinihikayat niya ang bawat tao na ibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat madama ng mga miyembro ng council na ligtas nilang maibabahagi ang kanilang opinyon sa diwa ng kabutihan at pagmamahal. Ang mga lider ay nagsisikap na makagawa ng kapaligiran kung saan napakikinggan ang bawat tao at napahahalagahan ang bawat opinyon. Bibihira na lamang ang ganito sa mundo ngayon.

Habang ang mga miyembro ng council ay nakikinig, mapagkumbabang isinasaalang-alang ang damdamin ng iba, at hinihiling na malaman ang kalooban ng Ama sa Langit, maaaring manaig ang diwa ng inspirasyon at pagkakaisa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga council ng Simbahan, tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 4.

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Nilalaman