“Tipan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Tipan
Ang tipan ay isang sagradong kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng isang tao o grupo ng mga tao. Nagtatakda ang Diyos ng mga partikular na kundisyon, at nangangako Siyang pagpapalain tayo kapag sinunod natin ang mga kundisyong iyon. Kapag pinili nating hindi tuparin ang mga tipan, hindi natin matatanggap ang mga pagpapala, at sa ilang pagkakataon ay daranas tayo ng kaparusahan dahil sa ating pagsuway.
Ang lahat ng nakapagliligtas na ordenansa ng priesthood ay may kaakibat na mga tipan. Halimbawa, nakikipagtipan tayo kapag tayo ay bininyagan, at pinaninibago natin ang tipang iyon tuwing nakikibahagi tayo sa sakramento. Ang mga yaong nakatanggap ng Melchizedek Priesthood ay nakapasok sa sumpa at tipan ng priesthood. Ang endowment sa templo at ordenansa ng pagbubuklod (kasal) ay kinapapalooban din ng mga sagradong tipan.
Ang mga tipan ang nagtuturo ng landas pabalik sa Diyos. Alamin kung ano ang susunod sa landas na para sa iyo.
Kaugnay na mga Paksa
-
Mga Ordenansa