“Mga Matang Nakakakita sa Mabuti,” Liahona, Mar. 2026.
Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mga Matang Nakakakita sa Mabuti
Nang magsimulang lumabo ang paningin ng aking asawa, bumaling kami sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo para mapanatag ang kalooban namin.
Paglalarawan ni Briana Kranz
Noong Enero 2025, nagsimulang magkaroon ng problema ang asawa kong si Kayla sa kanyang paningin. Palaging sumasakit ang kanyang ulo at masakit ang kanyang kaliwang mata. Hindi siya makakitang mabuti, at nagsimula na kaming mag-alala.
Nang pumunta kami sa optometrist, natuklasan niyang malakas ang pressure sa kanyang kaliwang mata. Ini-refer niya kami sa isang ophthalmologist para tingnan kung mayroon siyang glaucoma. Nanganganib ang paningin ni Kayla. Tumawag kami ng ilang doktor, pero maraming opisina ang sarado pa rin dahil sa holidays. Wala kaming nagawa kundi ang maghintay.
Labis kaming nag-alala. Humingi kami ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin, na sumasamo na lahat ay mangyari ayon sa Kanyang plano. Nanabik kami na masuportahan, at nadama namin ang Kanyang pagmamahal. Alam naming magiging OK ang lahat.
Kalaunan, apat na araw lang ay nakakuha kami ng appointment sa isang espesiyalista na karaniwang hinihintay nang ilang buwan. Natuklasan ng ophthalmologist na nabawasan ang pressure sa mata ni Kayla. Nagreseta siya ng ilang pampatak sa mata, at nagpatuloy na kami.
Walang nangyaring nakapagpapabago ng buhay sa mga mata ng asawa ko, pero natuto kaming makita ang kabutihan sa pamamagitan ng pagbaling sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Tinutulungan tayo ng Tagapagligtas na maging positibo at masayahin sa kabila ng mga pagsubok. Alam natin na mapagagaling Niya tayo sa Kanyang sariling panahon at sa Kanyang sariling paraan.
Hindi lamang binayaran ni Jesucristo ang ating mga kasalanan—Naranasan din Niya ang lahat ng ating “mga pasakit at karamdaman … upang ang kanyang sisidlan ay mapuspos ng awa, ayon sa laman, upang malaman niya nang ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:11–12).
Napanatag kami dahil alam namin na naunawaan ni Jesucristo ang aming pagdadalamhati. Dahil nakipamatok kami sa Kanya, nagkaroon kami ng “kapahingahan sa [aming] mga kaluluwa” (tingnan sa Mateo 11:28–30).
Itinuro ni President Camille N. Johnson, Relief Society General President:
“Mapagagaan ni Jesucristo ang bigat na dala-dala natin.
“Kayang buhatin ni Jesucristo ang mga pasanin natin. …