2025
Ang Simbahan sa Mongolia
Setyembre 2025


“Ang Simbahan sa Mongolia,” Liahona, Set. 2025.

Ang Simbahan sa Mongolia

mapa na nagpapakita ng templo sa Mongolia
Sukhbaatar Square

Patuloy na lumalago ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Mongolia mula nang unang dumating ang mga senior missionary couple noong 1992. Ang mga unang convert sa Mongolia ay nabinyagan noong 1993, at ang unang branch ay inorganisa noong taon ding iyon. Noong 1995, itinatag ang unang mission. Ngayon, ang Simbahan sa Mongolia ay may:

  • 12,400 miyembro (humigit-kumulang)

  • 2 stake, 24 na ward at branch, 1 mission

  • 1 templo (itatayo sa Ulaanbaatar)

larawan ng pamilya sa isang kagubatan

Mga Espirituwal na Pagpapala

Sabi ni Munkh-Od Altansukh (itaas, kanan) na mula sa Ulaanbaatar East Stake, “Nagkakaroon ako ng napakahalagang espirituwal na mga karanasan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain tulad ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan, paglilingkod sa iba, at pagsamba sa templo. Alam ko na ang maliliit at simpleng mga bagay ng ebanghelyo na regular na isinasagawa ay tutulong sa atin na sumulong tungo sa kadakilaan bilang isang pamilya.”