2025
Sa Pamamagitan ng Banal na Plano: Mga Turo ng mga Apostol tungkol sa Pamilya
Setyembre 2025


“Sa Pamamagitan ng Banal na Plano: Mga Turo ng mga Apostol tungkol sa Pamilya,” Liahona, Set. 2025.

Sa Pamamagitan ng Banal na Plano: Mga Turo ng mga Apostol tungkol sa Pamilya

Bilang mga anak na lalaki at anak na babae ng Diyos, lahat tayo ay miyembro ng isang pamilya sa langit na nagbibigay ng huwaran para sa ating mga pamilya sa lupa.

Opisyal na larawan ng Unang Panguluhan noong 2018

“Itinalaga ng Panginoon ang pamilya bilang pangunahing yunit ng Simbahan at ng lipunan.” Ang mga pamilya ay maaaring binubuo ng isang mag-asawa na may mga anak, at maaari ding sila ay nag-iisa sa buhay, solong magulang at mga anak, o mag-asawa na walang mga anak. At kung minsan maaaring kasama sa mga pamilyang ito ang iba pang mga kamag-anak. May asawa man tayo o wala o anuman ang ating personal na sitwasyon, bawat isa sa atin ay kabilang sa pamilya ng Diyos, bawat isa sa atin ay miyembro ng isang pamilya sa lupa, at bawat isa sa atin ay naghahandang maging walang hanggang magulang.

Sa loob ng libu-libong taon, ipinahayag na ng mga propeta at apostol ang kasagraduhan ng pamilya at nagbabala tungkol sa mga kalamidad na sasapit sa mga indibiduwal, bansa, at mundo kung hindi mapapangalagaan at mapoprotektahan ang mga pamilya. Narito ang ilang inspiradong salita ng mga propeta at apostol tungkol sa pamilya at sa kahalagahan ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.”