2025
Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay
Abril 2025


“Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Abr. 2025.

Mensahe ng Unang Panguluhan para sa Pasko ng Pagkabuhay

si Jesucristo na nakasuot ng puting damit na nakaunat ang Kanyang mga bisig

Every Knee Shall Bow [Bawat Tuhod ay Luluhod], ni Dan Wilson

Sa masayang panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, nakikiisa tayo sa matatapat na tagasunod ng Tagapagligtas sa pagdiriwang ng Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoong Jesucristo. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay kaloob sa lahat ng anak ng Ama sa Langit na nabuhay sa mundong ito.

Pinatototohanan namin na binibigyan ni Jesucristo ng kapahingahan ang mga taong “lubhang nabibigatan” (Mateo 11:28). Alam Niya “kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:12) dahil inako Niya sa Kanyang sarili ang ating mga pasakit at kasalanan. “Kanyang pinasan ang ating mga karamdaman,at dinala ang ating mga kalungkutan … at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (Isaias 53:4–5).

Ang mga sumasampalataya sa Kanya, sumusunod sa Kanyang mga kautusan, at tumatanggap ng nakapagliligtas at nakapagpapadakilang mga ordenansa ay “magkakaroon ng pag-asa sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo at sa kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, na ibabangon tungo sa buhay na walang hanggan” (Moroni 7:41).

Inaanyayahan namin ang lahat na lumapit kay Jesus “upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan” (Juan 10:10). Ang pagbigkis natin ng ating sarili sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan ay nagpapayaman sa ating buhay ngayon at magpakailanman. Nawa’y makahanap kayo ng pag-asa, pagpapagaling, at kaligayahan habang lumalapit kayo sa Tagapagligtas ng sanlibutan ngayong Paskong ito ng Pagkabuhay.

mga lagda

Ang Unang Panguluhan