Tuwirang Sagot
Paano ko malalaman na talagang nakapagsisi na ako at napatawad?
Coming Full Circle [Pagbalik sa Dating Kalagayan], ni Jenedy Page
Sabi ng Panginoon: “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito.
“Sa pamamagitan nito inyong malalaman kung ang isang tao ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan—masdan, kanyang aaminin ang mga yaon at tatalikdan ang mga yaon” (Doktina at mga Tipan 58:42–43).
Sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi, makatatanggap tayo ng kapatawaran. “Kapag nadarama mo ang kapanatagan mula sa Espiritu, malalaman mo na gumagana ang nagbabayad-salang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa iyong buhay.” At kung tayo ay muling magkamali, maaari tayong muling magsisi, mapatawad, at patuloy na magsikap.
Bukod pa rito, itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Sisikapin ni Satanas na papaniwalain tayo na hindi napatawad ang ating mga kasalanan dahil naaalaala natin ang mga ito. Sinungaling si Satanas. … Hindi nangako ang Diyos na hindi na natin maaalaala ang ating mga kasalanan. Ang pag-alaala ay makatutulong sa atin upang hindi na natin maulit pa ang gayunding pagkakamali. Ngunit kung mananatili tayong totoo at tapat, ang alaala ng ating mga kasalanan ay unti-unting malilimutan sa paglipas ng panahon.”