Mga Tanong at mga Sagot
“Medyo hindi ako sigurado sa ilang pangyayari mula sa Kasaysayan ng Simbahan. Ano ang dapat kong gawin sa mga tanong ko?
“Talakayin ang iyong mga alalahanin sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang magulang o bishop. Kung hindi mo pa rin maintindihan, pagtuunan lamang ng pansin ang pinakamahalaga at ang pagiging isang mabuting disipulo ni Jesucristo.”
Andrew K., 15, Indiana, USA
“Mahalagang tandaan na ang mga patakaran ay maaaring magbago, pero ang katotohanan ay hindi magbabago kailanman.”
Sheridan V., 17, Utah, USA
“Hinihikayat kang hanapin ang mga sagot sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral, at paghingi ng patnubay sa mga lider ng Simbahan. Bukod pa rito, maaari mong saliksikin ang resources na ibinigay ng Simbahan, tulad ng mga makasaysayang dokumento, mensahe, at publikasyon, upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa. Mahalagang harapin mo ang iyong mga tanong nang may pananampalataya at pagpapakumbaba, na nagtitiwala na makikita mo ang mga sagot na hinahanap mo sa pamamagitan ng taos-pusong paghahanap at patnubay mula sa Diyos.”
Jude E., 17, Aba, Nigeria
“Ang panalangin ang pinakamainam na paraan upang malaman ang tama at mali. Itinuro sa 1 Nephi 10:19 na ang mga naghahanap nang masigasig ay matatagpuan ang mga hiwaga ng Diyos. Sinabi sa Santiago 1:5, ‘Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.’ Pagnilayan ang mga talatang ito, at, tulad ni Joseph Smith, makikita mo ang mga sagot sa iyong taimtim na mga panalangin.”
Kern N., 13, Brazzaville, Republic of the Congo
“Sinimulan kong alamin pa ang tungkol sa kasaysayan ng Simbahan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mga Banal at Konteksto ng mga Paghahayag. Noong una kong simulang basahin ang mga ito, marami akong pag-aalinlangan. Nagsimula rin akong manalangin nang madalas sa Diyos, dahil laging itinuturo sa akin ng mga magulang ko na pagdudahan ang aking mga pagdududa bago ang aking pananampalataya. Hindi ito madali, pero ang mga unang miyembro ng Simbahan ay tao lamang, at nagsakripisyo at naniwala sila sa buhay na Diyos. Kaya nga mayroon tayong Simbahan ngayon.”
Elisa L., 17, Santa Catarina, Brazil