2025
Mga Nakatagong Kayamanan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hunyo 2025


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Doktrina at mga Tipan 58, 6062

Mga Nakatagong Kayamanan

Pag-aralan nang mas malalim ang mga banal na kasulatan.

dalagita at binatilyo

Larawang-guhit ni Camdyn Miller

Gaano kadakila ang kawalang-hanggan? Hindi mo mawawari.

Doktrina at mga Tipan 58

Alam ng mga Banal noon na mahaharap sila sa mga pagsubok. Pero nangako ang Tagapagligtas sa mga masunurin at tapat na ang mga hamong ito ay hihigitan ng mga gantimpala.

“Hindi ninyo mamamasdan ng inyong likas na mga mata, sa kasalukuyan, ang balangkas ng inyong Diyos hinggil sa mga bagay na yaon na darating pagkaraan nito, at ang kaluwalhatiang susunod matapos ang maraming kapighatian” (Doktrina at mga Tipan 58:3).

Napakagandang pangako!

May sinabi si Apostol Pablo na kahalintulad nito: “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya” (1 Corinto 2:9).

Sa madaling salita: Ang mga pagpapalang naghihintay sa atin sa kawalang-hanggan dahil sa pagiging tapat sa Diyos ay magiging napakalaki na hindi natin mawawari ang mga ito! Kaya huwag mag-alala sa mga detalye. Kung ano man ang mga iyon, magiging masaya tayo.

Kung minsan hinahayaan tayo ng Panginoon na magdesisyon.

Doktrina at mga Tipan 60-62

Madalas tayong bigyan ng Diyos ng kaluwagan sa paraan ng pagsunod natin sa Kanya. Ilang halimbawa:

  • Sa Doktrina at mga Tipan 60:5, iniutos ng Panginoon sa ilan sa mga Banal noon na “kaagad” na pumunta sa St. Louis—pero sinabing “hindi mahalaga” kung gagawa sila ng bangka o bibili ng bangka.

  • Sa 61:22, matapos sabihin sa mga kapatid na huwag maglakbay sa tubig sa ngayon, sinabi ng Panginoon na “pagkaraan ng maikling panahon” maaari nilang piliin na maglakbay sa pamamagitan ng tubig o lupa, “alinsunod sa kanilang pagpapasiya pagkaraan nito.”

  • Sa 61:35, sinabi ng Panginoon na ang kalalakihan ay “maglalakbay na magkakasama [sa isang grupo], o dala-dalawa, kung inaakala nilang mabuti”—pero idinagdag pa na sa anumang sitwasyon, nais Niyang maging magkasama sina Reynolds Cahoon at Samuel H. Smith.

Hindi tayo kailangang utusan sa bawat maliit na bagay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 58:26–27). Kapag walang partikular na tagubilin na ibinigay, ginagamit natin ang ating common sense o pag-iisip at espirituwal na intuwisyon, na sumusunod sa alituntunin sa Doktrina at mga Tipan 62:8: “Ang mga ito ay maiiwan sa inyo upang gawin ang naaayon sa pasiya at sa mga paggabay ng Espiritu.”