Mga Tinig ng mga Kabataan
Maghanap ng mga Paraan para Makapaglingkod
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
May isang matandang lalaki sa aming ward na may kapansanan sa paningin at hindi makapunta sa simbahan. Mabuting kaibigan niya si Itay, at naisip ko na tulungan siya.
Humingi kami ng isa sa mga kaibigan ko ng pahintulot sa aming bishop na dalhin ang sakramento sa kanya tuwing Linggo. Habang ginagawa ko iyon, naisip ko na paminsan-minsan ay kailangan niya ng isang taong magpaplantsa ng kanyang damit. Pagkatapos ay naisip ko na hindi niya magagawang pag-aralan ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin o magbasa ng Aklat ni Mormon, kaya binasahan ko siya nang malakas.
Habang sinisikap kong malaman ang mga paraan na makapaglilingkod ako, lalo akong nakakita ng mga bagay na magagawa ko para makagawa ng kaibhan. Ang lalaking ito ay lumipat na ng tirahan para makasama ang kanyang mga anak na babae, pero nakadama ako ng kapayapaan na napaglingkuran ko siya.
Nang pumarito si Cristo sa lupa, Siya ay naparito upang maglingkod. Alam ko na sa paglilingkod sa lalaking ito, mas napalapit ako sa aking Tagapagligtas.
Isaac P., edad 16, Accra, Ghana
Mahilig sa pagbabasa, musika, hip hop, at pagra-rap.