Mga Tinig ng mga Kabataan
Iniligtas ng Aking Patriarchal Blessing ang Aking Pananampalataya
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
May panahon na naisip kong umalis sa Simbahan. Ito ay bago ako pumunta sa aking unang FSY conference. Sa panahong iyon, nadama ko nang husto na tanungin ang ilang tao kung paano mapapalapit kay Cristo at kung paano makakatanggap ng patriarchal blessing. Sinabi sa akin ng isang matalik kong kaibigan na kailangan ko lang sabihin sa bishop ko na gusto ko ng blessing, at tutulungan ako nito.
Noong una naisip ko, “Para namang kakatwa na may blessing na sumasaklaw sa buong buhay mo.” Pero ramdam ko talaga na kailangan kong matanggap ang sa akin. Nag-aral ako ng mga banal na kasulatan kasama si Itay, at pinag-usapan namin ang tungkol sa mga patriarchal blessing at kung kailan niya iyon natanggap.
Masidhi talaga ang naramdaman ko nang matanggap ko na ang aking patriarchal blessing. Nadama ko ang presensya ng Espiritu Santo at maging ng lolo’t lola ko na pumanaw na. Ang isang bagay na sasabihin ko sa aking nakababatang sarili ngayong may patriarchal blessing na ako ay isipin ang buhay nang may walang-hanggang pananaw. Kung may pangyayari sa isang taon o isang araw o isang linggo na hindi ayon sa gusto mo, ayos lang. May kawalang-hanggan pa na naghihintay sa iyo. Hindi ito madali, pero magagawa natin ang lahat sa pamamagitan ni Jesucristo at ng ating Ama sa Langit. Talagang mahal Nila tayo, at tutulungan Nila tayong makamit ang ating mga mithiin at maging ang pinakamagagandang bersyon ng ating sarili.
Kung hindi ko natanggap ang aking patriarchal blessing, malamang na umalis na ako sa Simbahan. Malulubog ako sa kailaliman. Malamang na hindi ko iisiping magmisyon. Baka nga hindi na ako buhay, sa totoo lang. Napagpala ako nito sa napakaraming paraan. Hinihikayat ko talaga ang sinumang nag-iisip na magkaroon ng patriarchal blessing na gawin ito, dahil talagang makatutulong ito sa inyo.
Aatos A., edad 18, Hyvinkää, Finland
Mahilig sa paglalaro ng American football at breakdancing.