2025
Pagpili kay Cristo Bago ang Headphones
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hunyo 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Pagpili kay Cristo Bago ang Headphones

dalagita na may headphones

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Dati-rati ay suot ko ang aking headphones sa buong araw, nakikinig sa musika o sa YouTube. Isinusuot ko ang mga ito kung minsan habang kumakain ng hapunan, iginigiit sa aking mga magulang na naririnig ko pa rin sila. Napansin ko ang mga taong nagsusuot ng mga ito sa mga aktibidad ng kabataan at naisip ko na siguro dapat ay ganito rin ang gawin ko. Pero hindi nagtagal ay napansin ko na mas maraming oras ang nauubos ko sa paggamit ng headphones at phone ko at wala akong sapat na oras sa mahahalagang bagay.

Ayaw kong unahin ang headphones ko kaysa kay Jesucristo. Alam ko na kailangan kong gumawa ng pagbabago. Sa halip na makinig ng random music sa umaga, pinakinggan ko ang awiting “Disipulo ni Cristo” ng mga kabataan habang binabasa ang aking mga banal na kasulatan. Nang magpatotoo ang mang-aawit tungkol kay Cristo, nadama kong lumalago ang aking patotoo. Napansin ko na mas masaya ako, at mas tumibay ang ugnayan ko kay Cristo. Ang mga titik ay madalas kong naiisip sa buong araw, na nagpapaalala sa akin na kumilos at maging disipulo ni Cristo.

Bagama’t hindi ko lubusang itinigil ang paggamit ng aking mga headphones sa buong araw, sinimulan ko na hindi na ito masyadong gamitin. Nang baguhin ko ang aking hindi mabuting gawi, nagawa kong unahin si Jesucristo.

Alam ko na kahit ang pagbabago ng isang bagay na kasing liit ng isang hindi mabuting gawi sa paggamit ng headphones ay maaaring maglapit sa iyo kay Cristo.

dalagita

Caralyn T., edad 16, Texas, USA

Gustung-gusto ang pagtugtog ng piyano, pagbabasa, doodling o pagdodrowing, at baking.