2025
Ang mga Apostol ay Nagmisyon sa Great Britain
Hulyo 2025


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang mga Apostol ay Nagmisyon sa Great Britain

Inilalarawan ni Joseph Smith ang mga Apostol na nangangaral sa Great Britain

Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na ipadala ang ilan sa mga Apostol sa misyon sa Great Britain. Mahirap para sa mga Apostol na iwan ang kanilang pamilya, pero nangako ang Panginoon na pagpapalain sila.

Pamilya Kimball na maysakit at nakahiga sa kama

Si Heber C. Kimball at ang kanyang asawang si Vilate ay nagsisimula pa lang sa kanilang buhay may pamilya. Marami sa kanila ang nagkaroon ng matinding sakit.

Nagpapaalam si Brigham Young sa kanyang pamilya

May sakit din si Brigham Young, at mahirap ang kanyang pamilya. Pero sinabi kay Brigham ng asawa niyang si Mary Ann, “Humayo ka at gampanan mo ang iyong misyon, at pagpapalain ka ng Panginoon.”

Sina Heber at Brigham na nakasakay sa likod ng bagon

Gumaling sina Heber at Brigham, pero napakahina nila noon. Gusto nilang ipangaral ang ebanghelyo, kaya nagpaalam sila sa kanilang mga pamilya at umakyat sa likod ng isang bagon upang simulan ang kanilang paglalakbay.

Sina Heber at Brigham na nangangaral ng ebanghelyo sa mga tao sa Great Britain

Matapos ang mahabang paglalakbay patawid sa karagatan, dumating sina Heber at Brigham sa Great Britain. Kasama ang iba pang mga Apostol, itinuro nila sa maraming tao ang ebanghelyo. Libu-libong tao ang nabinyagan sa Simbahan ni Jesucristo. Marami sa kanila ang naglayag patawid ng karagatan para makasama ang mga Banal sa Estados Unidos.

Sina Heber at Brigham na binabati ng kanilang mga pamilya sa pantalan

Tinupad ng Panginoon ang Kanyang pangako na pangangalagaan ang pamilya nina Heber at Brigham habang naglilingkod sila sa Kanya bilang mga missionary.

PDF ng pahina