Mula sa Unang Panguluhan
Ang Halimbawa ng Aking Lola-sa-Tuhod
Hango sa “Simple ang Doktrina ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2024, 96–99.
Ang aking lola-sa-tuhod na si Mary Bommeli ay tapat sa pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ang kanyang pamilya ay tinuruan ng mga missionary sa Switzerland noong siya ay 24 anyos.
Pagkatapos ng kanyang binyag, lumipat si Mary sa Germany. Natuklasan niya na hindi niya mapigilan na ibahagi ang mga bagay na natutuhan niya. Nagtipon ang mga tao para pakinggan ang pagtuturo niya habang naghahahabi siya ng tela.
Ibinahagi ni Mary ang tungkol sa Aklat ni Mormon at sa Ama sa Langit at ang pagbisita ni Jesucristo kay Joseph Smith. Itinuro niya ang tungkol sa Pagkabuhay na Muli. Nagpatotoo siya na ang mga pamilya ay maaaring magkasama-sama magpakailanman.
Ang pagtuturo sa mga anak ng Ama sa Langit tungkol kay Jesucristo ay sagradong gawain. Habang itinuturo natin ang mga alituntuning ito sa mga mahal natin sa buhay, tutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang katotohanan.
Magdrowing ng Isang Kuwento ng Pamilya
Si Pangulong Eyring ay nahikayat ng kanyang lola-sa-tuhod. Sino sa mga kapamilya mo ang nakahihikayat sa iyo na piliin ang tama? Gamitin ang mga panel sa ibaba para magdrowing ng kuwento tungkol sa pamilya.
Larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney