Ang Aking mga Salitang tungkol sa Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Pangangasiwa
Ang pagkakatiwala ay isang responsibilidad na pangalagaan ang isang bagay na mahalaga. Ipinagkatiwala sa atin ng Ama sa Langit ang pangangasiwa sa mundo. Ibig sabihin nito, hinihiling Niya sa atin na pangalagaan at protektahan ang Kanyang magandang mundo.
Pagsisisi
Ang pagsisisi ay kung paano tayo bumaling kay Jesucristo kapag nakagawa tayo ng maling desisyon. Para makapagsisi, kailangang malungkot tayo sa ginawa natin, humingi ng tulong at kapatawaran sa Ama sa Langit, at sikaping ayusin ito. Dahil sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, maaari tayong umiwas sa masasamang pasiya at sa halip ay gumawa ng mabubuting pasiya.
Kahariang Selestiyal
Ang kahariang selestiyal ay ang lugar na kinaroroonan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo Sa pagpili na sundin si Jesucristo, mabubuhay tayo roon balang-araw kasama ang ating mga pamilya magpakailanman.
Pagkabuhay na Muli
Ang pagkabuhay na muli ay kapag ang iyong espiritu at katawan ay nagsamang muli pagkatapos mong mamatay. Kapag ikaw ay nabuhay na muli, ang iyong katawan ay magiging perpekto, at hindi ka na magkakasakit o mamamatay. Dahil sa Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo, lahat ng tao ay mabubuhay na muli.
Mga larawang-guhit ni Madison Baker