Pagkatuto at Paglago
Pumarito tayo sa lupa para matuto at umunlad tayo at maging katulad ng Ama sa Langit balang-araw (tingnan sa Moises 1:39). Minsan gumagawa tayo ng mga pagpili na hindi natin maipagmamalaki. Kapag nagkakasala tayo o nagkakamali, pagkakataon ito para bumaling tayo kay Jesucristo.
Maaari kang palaging lumago at sumubok muli kapag nagkakamali ka o kapag mali ang iyong pagpili. Mahal ka ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at lagi ka Nilang matutulungan!
Maaaring Magsisi ang Lahat
Ang pagpili na gawin ang bagay na alam mong labag sa mga utos ng Diyos ay isang kasalanan. Alam ng Ama sa Langit na lahat tayo ay magkakasala at gagawa ng masasamang desisyon. Kaya nga isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo. Dahil sa Kanya, tayo ay maaaring magsisi, madama ang Kanyang pagmamahal, at makagawa ng mas magagandang pasiya (tingnan sa Enos 1:5–6). Tandaan na ipinangako ng Panginoon, “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42).
Pagkatuto mula sa mga Pagkakamali
Ang mga pagkakamali ay bagay na ginagawa mo nang hindi sinasadya. Minsan ang mga pagkakamali ay maaaring ikalungkot mo o ikapahiya. Pero hindi natin kailangang magtuon sa ating mga pagkakamali! Maaari tayong matuto sa mga ito at hayaan na lang natin ito. Matutulungan din tayo ni Jesucristo sa mga bagay na ito.
Paglalarawan ni Tatsiana Burgaud