Isinulat Mo
Tunay ba si Jesus?
Isang araw sinamahan ko ang mga kapatid ko sa mesa para pag-aralan naming pamilya ang banal na kasulatan. Sinimulan ng nanay ko ang aming lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, pero hindi ko talaga iyon binigyan ng atensyon. Iba ang iniisip ko: Tunay ba talaga si Jesus?
Sa simbahan at sa Primary nalaman namin na Siya ay tunay, pero hindi ko alam sa sarili ko. Nag-isip ako nang nag-isip, pero hindi ko mahanap ang sagot.
Pagkatapos ng pag-aaral ng banal na kasulatan, tinanong ko si Inay, “Tunay po ba si Jesus?”
“Magandang tanong!” sabi niya. “Ano kaya kung ipagdasal mo ang tungkol diyan?”
“OK po,” sabi ko.
Nang gabing iyon nanalangin ako at nagtanong, “Ama sa Langit, tunay po ba ang Inyong Anak?” Pagkatapos ay talagang nag-init ang loob ko. Alam ko na sinagot ng Diyos ang aking panalangin. Pagkatapos noon, nagdasal ako na nagpapasalamat sa Ama sa Langit sa pagsagot sa akin. Alam kong nakikinig Siya sa mga panalangin ko at makikinig din Siya sa inyong mga panalangin.
Paglalarawan ni Emily Davis