2025
Matatamis at Simpleng Salita
Hulyo 2025


Madaling Basahin

Matatamis at Simpleng Salita

Isang kuwento sa tunay na buhay mula sa USA.

Mga batang nakaupo sa Primary at nakikinig sa lider

Ngumiti si Kaci nang maupo siya sa Primary. Ngayon ang pagtatanghal ng mga bata sa sacrament meeting. Nakakatakot sabihin ang kanyang bahagi, pero ginawa niya iyon!

Si Sister Dench, ang Primary president, ay tumayo sa harapan. “Ang galing ninyo sa sacrament meeting ngayon!” sabi niya. “Alam ko na nagsikap kayo na matutuhan ang inyong mga bahagi.”

Dalawang batang lalaki na nag-uusap, babae na mukhang malungkot

“Maliban kay Kaci,” sabi ng isa sa mga batang lalaki. “Walang makapagsabi kung ano ang sinabi niya.”

Sumimangot si Sister Dench sa bata, saka lumingon para ngumiti kay Kaci. “Ang galing mo.”

Pinigilan ni Kaci ang pag-iyak. Ginawa niya ang lahat para matutuhan ang kanyang bahagi. Pero minsan hindi tama ang lumalabas na mga salita sa kanyang bibig.

Umiiyak na batang babae kasama ang kanyang pamilya sa kotse

Habang pauwi, hindi na napigilan ni Kaci ang pagluha.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Mommy.

“Pinagtawanan po ako ng isa sa mga batang lalaki. Hindi raw po tama ang pagbigkas ko sa parte ko.” Nagsimula siyang umiyak nang mas malakas.

Mag-ina na nag-uusap sa kotse

“Maganda ang ginawa mo.” Proud kami ni Daddy sa iyo,” sabi ni Mommy. “Alam mo ba kung sino pa ang proud sa iyo?”

Umiling si Kaci.

“Ang Ama sa Langit,” sabi ni Mommy. “Alam Niyang ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.”

Gumanda na ang pakiramdam ni Kaci. Gusto niyang gamitin ang kanyang mga salita para maging masaya rin ang ibang tao.

Sa paaralan, sinabi ni Kaci sa kanyang titser na maganda ang kanyang pagtuturo.

Sa bahay, inaayos ni Daddy ang isang istante. Sinabi sa kanya ni Kaci na maganda ang ginagawa niya para maging maganda ang bahay nila.

Sa labas, magkasamang naglaro ng bola si Kaci at ang kanyang kapatid. Sinabi sa kanya ni Kaci na maganda ang paghagis niya ng bola.

Iniisip ng batang babae kung paano siya gumamit ng magigiliw na salita sa ibang tao

Ang pagsasabi sa mga tao na maganda ang ginagawa nilang trabaho ay nagpasaya kay Kaci. Nang makita niyang ngumiti ang iba, alam niya na malaki ang naitutulong ng simpleng mga salita niya!

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Greg Paprocki