Welcome, mga Kaibigan!
Nais ng Diyos na maging masaya ka! Biniyayaan Niya tayo ng isang magandang plano para matulungan tayong umunlad at matuto at sumunod sa Kanya. Tinatawag natin itong plano ng kaligtasan. Kulayan ang malaking larawan sa mga pahina 24–25 para malaman ang Kanyang plano para sa iyo!
Sa Kaibigan sa buwang ito, tingnan kung gaano karaming mga bata mula sa iba’t ibang bansa ang mabibilang mo! Mahahanap mo ba si Jamesi na taga-Fiji? O si Adeline na taga-France? Kilala at mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga anak, sa buong mundo. Ang Kanyang plano ay para sa bawat tao—at para sa iyo!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan