Pagsunod kay Jesus sa Taiwan
Kilalanin si Ellie
Sinusunod ni Ellie si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang pamilya na gumawa ng mga aktibidad sa home evening. Itinuro niya sa kanyang nakababatang mga kapatid ang ikaapat na saligan ng pananampalataya para sa isang aktibidad. Isinaulo niya ang saligan ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapa-ulit-ulit dito sa maghapon. “Ang paggawa nito ay makatutulong sa akin na mapalapit kay Cristo,” sabi ni Ellie.
Si Ellie ay isang tagapamayapa sa kanyang pamilya. Tinutulungan niya ang kanyang mas batang kapatid na babae na magsuot ng sapatos at pinapakain siya kapag maraming ginagawa ang kanyang ina. Kapag nag-aaway ang kanyang mga nakababatang kapatid dahil sa kaunting pagkain o isang upuan, nagbibigay siya sa kanila. Sabi ni Ellie, “Kapag sinusunod ko si Jesus, maganda ang nararamdaman ko sa puso ko.”
Tungkol kay Ellie
Edad: 7
Mula sa: Taoyuan, Taiwan
Mga Wika: Taiwanese, Mandarin, English
Mga Mithiin: Maging mahusay sa pagtugtog ng piano, matutuhan ang mga Saligan ng Pananampalataya, matutong maglaro ng badminton
Mga libangan: Pagtugtog ng piano, sining at crafts, rock climbing, pagkanta
Pamilya: Ellie, Nanay, Tatay, mas nakababatang kapatid na lalaki at babae
Mga Paborito ni Ellie
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nagpanggap si Nephi na siya si Laban para kunin ang mga laminang tanso (tingnan sa 1 Nephi 4)
Mga prutas at gulay: Honey peaches, ubas, at enoki mushroom
Pagkain: Instant noodles
Kulay: Bahaghari
Awitin sa Primary: “Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98)