2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Hulyo 2025


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Iyo

Batang babaeng nakangiti

Masaya ako kapag tinutulungan ko ang tatay ko na maglingkod sa ibang tao.

Nia L., edad 10, Hsinchu County, Taiwan

Batang lalaking nakangiti

Tumulong ako sa pagtatabas ng damo sa bakuran ng kapitbahay ko. Ang galing ng ginawa ko. Alam ko na kapag nagtatrabaho ako nang husto, nagiging masaya ang iba. Alam ko na mahal ako ng Ama sa Langit!

Ronin F., edad 10, Utah, USA

Ang Makulay na Mundo ng Diyos

Binigyan tayo ng Ama sa Langit ng magandang mundong puno ng kulay. Kulayan ang larawan gamit ang susi sa ibaba. Hanapin ang bawat talata para malaman kung saang numero napupunta ang kulay.

Tapatan

Maglaro ng isang laro mula sa Pilipinas kasama ang isang kaibigan! Magdrowing ng game board tulad ng nasa kaliwa. Kailangan ng bawat isa sa inyo ng tatlong maliliit na bagay, tulad ng mga bato o barya. Magsalitan sa paglalagay ng inyong item sa isang bilog. Kapag nasa board na ang mga ito, magsalitan sa paglipat ng inyong item nang isang bilog sa anumang direksyon. Sinumang makasakop ng tatlong bilog sa isang hilera ay mananalo!

Lihim na Katulong

Sinorpresa ng isang tao mula sa Primary sina Brother at Sister Müller sa pamamagitan ng pagbubunot ng damo sa kanilang hardin. Pero sino iyon? Sundan ang mga clue o pahiwatig para mahanap ang sagot.

  1. Hindi nakataas ang kamay ng lihim na katulong.

  2. Ang lihim na katulong ay kulot ang buhok.

  3. Ang lihim na katulong ay hindi nakasuot ng stripes.

  4. Ang lihim na katulong ay nakangiti.

  • Jakob

  • Emelia

  • Lina

  • Felix

  • Tobias

PDF ng pahina na may mga aktibidad

Mga larawang-guhit ni Brian Biggs