2024
Mga Tala sa Kumperensya
Nobyembre 2024


“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 6.

Mga Tala sa Kumperensya

Mga Saranggola at mga Tipan

Dallin H. Oaks

Nagsalita si Pangulong Oaks tungkol sa isang batang lalaki at kanyang ama na nagpapalipad ng saranggola. Tinanong ng bata kung puwede nilang putulin ang pisi para makalipad nang mas mataas ang saranggola. Ipinaliwanag ng ama na babagsak ang saranggola kapag pinutol ang tali. Ang tali ay katulad ng mga tipang nag-uugnay sa atin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang pagtupad ng ating mga tipan ay tumutulong sa atin na mas mapalapit sa kanila.

Itinuturo nito sa akin na:

Ang Stained-Glass Window

Dieter F. Uchtdorf

Si Elder Uchtdorf ay nabinyagan 75 taon na ang nakararaan! Nagsimula ang kanyang patotoo sa Germany noong bata pa siya. Naaalala pa rin niya ang sagradong damdamin niya habang nakatingin siya sa isang stained glass window ni Jesucristo sa chapel nila. Pinatotohanan ng Espiritu sa kanyang puso’t isipan na si Jesucristo ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

Itinuturo nito sa akin na:

Magtuon kay Jesus

I. Raymond Egbo

Nagkuwento si Elder Egbo tungkol sa Nigerian men’s football team para sa 1996 Olympic Games. Wala silang gaanong pera o pinakamahusay na training. Pero nagtuon sila sa kanilang mithiin, at binalewala ang lahat ng iba pang panggagambala, at nanalo sila ng ginto! Kapag binalewala natin ang mga panggagambala ng mundo at nagtuon tayo kay Jesucristo, magtatagumpay rin tayo.

Itinuturo nito sa akin na:

Pagtatanong

Tracy Y. Browning

Sinabi ni Sister Browning na hanggang noong 1992, inakala ng mga siyentipiko na ang Pluto ang dulo ng ating solar system. Pero patuloy na nag-aral at nagtanong ang mga siyentipiko. Ngayo’y alam na natin na napakarami pang dapat tuklasin bukod sa Pluto! Kapag may mga tanong tayo, maaari tayong bumaling sa Ama sa Langit. Makakatulong sa atin ang taimtim na mga tanong tungkol sa ebanghelyo para matuto at lumago.

Itinuturo nito sa akin na:

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot