2024
Paglilibot sa Templo
Nobyembre 2024


“Paglilibot sa Templo,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 18–19.

Masasayang Bagay

Paglilibot sa Templo

Welcome sa templo!

Sa loob ng templo, maaari tayong matuto tungkol sa plano ng kaligtasan at makipagtipan sa Ama sa Langit. Maraming magagandang silid kung saan tayo makararamdam ng kapayapaan mula sa Espiritu Santo.

Sealing room sa isang templo

Ang sealing room ay kung saan ibinubuklod ang mga mag-asawa at pamilya para sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan.

Silid sa templo para sa babaeng ikakasal

Ang silid para sa babaeng ikakasal ay kung saan naghahanda ang kababaihan bago mabuklod.

Instruction room sa isang templo

Ang instruction room ay kung saan mo malalaman ang tungkol sa plano ng kaligtasan at gagawa ng mga sagradong tipan sa Ama sa Langit.

Silid-selestiyal sa isang templo

Ang silid-selestiyal ay tumutulong sa atin na isipin kung ano ang magiging pakiramdam ng makapiling na muli ang Ama sa Langit. Ito ay isang lugar para manalangin, magnilay-nilay, at magbasa ng mga banal na kasulatan.

Bautismuhan sa isang templo

Ang bautismuhan ay kung saan ka maaaring binyagan para sa mga taong pumanaw na. Ang labindalawang baka sa paligid ng bautismuhan ay kumakatawan sa labindalawang lipi ni Israel.

Temple Checklist

Kaya mo bang hanapin ang mga item na ito sa loob ng templo?

  • isang chandelier

  • isang salamin

  • isang plorera ng mga bulaklak

  • mga baka sa bautismuhan

  • stained glass

PDF ng pahina