2024
Pagsunod kay Jesus sa Kenya
Nobyembre 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Kenya,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Kenya

Kilalanin si Martin!

si Martin na mula sa Kenya

Paano Sinusunod ni Martin si Jesus

Sinusunod ni Martin si Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya. Nang makilala ni Martin ang mga missionary, binigyan nila siya ng isang polyeto tungkol kay Jesucristo. May kapansanan sa paningin si Martin, kaya hindi niya mabasa ang maliliit na titik. Pero gusto niyang matutuhan ang iba pa.

Binigyan ng mga missionary si Martin ng isang kopya ng Aklat ni Mormon sa braille. Ang Braille ay isang uri ng nakasulat na pananalita para sa mga taong bulag o may kapansanan sa paningin.

si Martin na nagbabasa sa braille

Pinili ni Martin na magpabinyag na kasabay ng tatay niya. “Nagpapasalamat ako para sa Simbahan ni Jesucristo,” sabi ni Martin. “Alam kong ito ay totoo.”

Tungkol kay Martin

si Martin sa harap ng mapa

Edad: 10

Mula sa: Nairobi, Kenya

Mga Wika: English, Swahili

Mga Mithiin: 1) Ipalaganap ang liwanag ni Jesucristo. 2) Magmisyon. 3) Maging abugado.

Mga Libangan: Paglalaro ng chess, pagtulong sa tatay niya sa negosyo nitong paggawa ng damit

Pamilya: Martin, Itay, kuya

Mga Paborito ni Martin

Kuwento sa Aklat ni Mormon: Nang pagaanin ang mga pasanin ng mga Nephita (tingnan sa Mosias 24)

Holiday: Mashujaa Day (Araw ng mga Bayani)

Prutas: Peras

Kulay: Asul

Awitin sa Primary:Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)

PDF ng Kuwento