2024
Mga Balita sa Kumperensya
Nobyembre 2024


“Mga Balita sa Kumperensya,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 4–5.

Mga Balita sa Kumperensya

PDF ng pahina

Mga Sipi mula sa Kumperensya

Panonood ng Kumperensya sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Gusto kong marinig ang mga apostol at ang ating propetang si Pangulong Russell M. Nelson na magsalita sa kumperensya. Gustung-gusto kong magkaroon ng isang propeta na 100 taong gulang!

Luciano F., edad 6, Magallanes, Chile

Gumawa ang aking branch president ng isang conference question-and-answer page para sa mga batang Primary. Nakatulong ito sa akin na makinig sa mga mensahe sa kumperensya. Masaya talaga!

Yen-Ting C., edad 10, Changhua County, Taiwan

Ang pangkalahatang kumperensya ang pinakamainam na panahon para maghanap at tumanggap ng personal na inspirasyon.

Janice K., edad 12, Goa, India

Ang pagkanta sa pangkalahatang kumperensya ay nagpasaya sa akin, lalo na noong kumakanta ako tungkol kay Jesucristo at sa Ama sa Langit.

Annelise G., edad 10, Utah, USA

Koro ng mga Bata

Daan-daang mga bata mula sa Utah, USA, ang kumanta sa sesyon sa Sabado ng hapon. Tatlo sa mga awiting kinanta nila ang nagmula sa bagong Hymns—For Home and Church.

Ilang Templo?

Nagtatayo ng mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo! Ilang templo ang ibinalita ni Pangulong Nelson sa kumperensyang ito?

  • 8 sa North America

  • + 1 sa Caribbean

  • + 1 sa Central America

  • + 2 sa South America

  • + 2 sa Europe

  • + 3 sa Africa

  • = ___ templo

Kabuuang Bilang ng mga Templo

  • 190 ang gumagana

  • 116 ang ibinalita

  • 50 ang itinatayo

  • 7 ang sumasailalim sa renobasyon

Ngayon at Noon

Nang magsimula ang pangkalahatang kumperensya 194 na taon na ang nakararaan, maliit na grupo lamang ng mga tao ang nakakarinig nang personal sa propeta.

100 taon na ang nakalipas, napapakinggan nila ang kumperensya sa radyo.

75 taon na ang nakalipas, napapanood nila iyon sa TV.

25 taon na ang nakalipas, napapanood o napapakinggan nila iyon online.

Ngayon, napapanood o napapakinggan ng mga tao ang pangkalahatang kumperensya saanman sa mundo!