“Paghahalaman Kasama si Inay,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 30–31.
Paghahalaman Kasama si Inay
Ang kuwentong ito ay nangyari sa New Zealand.
Hi, Emily! Ang sarap sa labas, ‘no?
Opo! Puwede ko po bang subukan? Gusto ko pong tumulong!
Baka masyadong malaki ang pala para sa iyo. Bakit hindi mo ako tulungang bunutan ng damong ligaw ang halamanan?
OK!
Mag-ingat tayo para hindi mabunot ang mga bulaklak. Ipapakita ko sa iyo kung alin ang mga damong ligaw.
Kailangan po ba nating bunutin ang lahat ng mga damong ligaw? Napakarami nito!
Oo, kung gusto nating gumanda ang halamanan.
Mahirap po palang mag-alaga ng halamanan.
Tama ka. Pero kailangan pa ring magawa ito.
Bakit ba tayo nagtanim ng maraming bulaklak? Mas malaking trabaho lang iyan!
Sa palagay mo, bakit pinaganda nang husto ng Ama sa Langit ang mga rosas?
Hindi ko po alam.
Kasi gusto Niyang sumaya tayo kapag nakikita natin ang mga ito.
Kagaya ‘yan ng nasa kanta! “Anong ligaya ako’y mapabilang sa mundong likha ng Maylalang.”
Inay: Kaya nga okey lang sa ‘kin ang hirap. Pinasasaya ako ng mga bulaklak.
Emily: Ipinapaalala ng mga ito sa atin ang pagmamahal ng Ama sa Langit!
Mga larawang-guhit ni Alyssa M. Gonzalez