“Ano ang Pagbubuklod sa Templo?” Kaibigan, Nobyembre 2024, 22.
Mga Temple Card
Ano ang Pagbubuklod sa Templo?
Ang pagbubuklod sa templo ay isang ordenansang nagbubuklod sa mga pamilya magpakailanman. Nangangahulugan ito na kung tutuparin natin ang ating mga tipan at susundin ang Diyos, makakasama nating muli ang ating pamilya pagkamatay natin. Nangako ang mga propeta na dahil kay Jesucristo, ang mga pamilya ay maaaring maging walang hanggan.
Nairobi Kenya Temple
-
Ito ang ikasiyam na templong itinayo sa Africa at ang una sa Kenya.
-
Nagpupunta ang mga miyembro ng Simbahan sa buong East Africa sa templong ito.
-
Noong 1998 sinabi ni Pangulong Hinckley na isang templo -ang itatayo sa Kenya balangaraw. Ang templong ito ay inihayag makalipas ang 19 na taon.
Papeete Tahiti Temple
-
Matapos baguhin ang templong ito noong 2006, libu-libong tao ang nagdaos ng isang kultural na kaganapan para ipagdiwang ang muling paglalaan nito.
-
Ito ay may magandang asul na bubong.
-
Bago itinayo ang templong ito noong 1983, ang pinakamalapit na templo sa Tahiti ay nasa New Zealand.
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson