“Pinag-ugnay ng mga Tipan,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 21.
Masasayang Bagay
Pinag-ugnay ng mga Tipan
Inuugnay tayo ng mga tipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Sa pagtupad sa ating mga tipan, maaari tayong makatanggap ng tulong at lakas mula sa langit. Itinuro ni Pangulong Nelson, “Kapag kayo at ako ay nakipagtipan sa Diyos, nagiging mas malapit ang ating ugnayan sa Kanya kaysa noong bago tayo makipagtipan. … Dahil sa ating tipan sa [Kanya], hindi Siya kailanman mapapagod sa Kanyang mga pagsisikap na tulungan tayo.”
Gumawa ng isang kadena ng mga tipan para maalala ninyo ang inyong tipan sa binyag! Pagkatapos ay isabit ito sa isang lugar kung saan ninyo ito makikita.
-
Gumupit ng anim na piraso ng papel na mga 1 pulgada (2.5 cm) ang lapad at 8 pulgada (20 cm) ang haba.
-
Sa bawat piraso, isulat ang isa sa mga paraan na maaari ninyong tuparin ang inyong tipan sa binyag. (Makakatulong ang listahan sa ibaba.)
-
Kunin ang unang piraso at pagdikitin ng teyp ang magkabilang dulo para makagawa ng bilog. Pagkatapos ay ipasok ang sumunod na piraso sa bilog at pagdikitin ng teyp ang magkabilang dulo nito. Patuloy na magdagdag ng mga bilog hanggang sa magkaroon kayo ng isang kadena!
-
Laging Aalalahanin si Jesucristo
-
(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79.)
-
Paglingkuran ang Diyos at sundin ang Kanyang mga utos.
-
(tingnan sa Mosias 18:10 at Doktrina at mga Tipan 20:77).
-
Magpatotoo tungkol kay Jesucristo at maging isang halimbawa
-
(tingnan sa Mosias 18:9 at Doktrina at mga Tipan 20:77, 79.)
-
Tulungan ang iba
-
(tingnan sa Mosias 18:8–9.)
Larawang-guhit ni Katy Dockrill