Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 2: Genesis 12–50; Abraham 1–2


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 2: Genesis 12–50; Abraham 1–2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 2: Genesis 12–50; Abraham 1–2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 42–50: Lesson 37

I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Genesis 12–50; Abraham 1–2

Portrait of Jesus Christ.  There are clouds in the background.

Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral kamakailan ng Genesis 12–50 at Abraham 1–2.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga paraan na umunlad sa espirituwal na aspekto mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan at Mahalagang Perlas sa taon na ito. Maaari mong imungkahi na rebyuhin nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan silang mapansin ang kanilang paglago at pagkatuto.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pag-aaral ng klase mo ng Abraham 1–2 at Genesis 12–50 ay maaaring nakatuon sa iba’t ibang resulta kaysa sa mga resultang nasuri sa lesson na ito. Kung gayon, iakma ang mga aktibidad upang ma-assess ang pag-unlad na naranasan ng mga estudyante mula sa mga resultang pinagtuunan ng klase mo.

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong masuri ang kanilang progreso sa sumusunod na tatlong aspeto:

  1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng walang-hanggang kasal sa plano ng Ama sa Langit. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 9: “Genesis 1:28–2:25” at Lesson 29: “Genesis 24.”)

  2. Makadama ng mas matinding hangaring gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 23: “Genesis 12, 17” at Lesson 31: “Genesis 28.”)

  3. Makibahagi sa pagtitipon ng Israel. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay batay sa mga turo mula sa Lesson 24: “Abraham 2:9–11.”)

Pagiging higit na katulad ni Jesucristo

Sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung paano sila espirituwal na lumalago, matutulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na maging mga disipulo ni Jesucristo. Upang matulungan sila na magawa ito, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na larawan. Bilang alternatibo, maaaring magdrowing ang mga estudyante ng larawan ng dalawang puno sa kanilang study journal: isang batang puno at isang matandang puno.

Growing Trees

Isipin kunwari na ang mga ito ay mga larawan ng iisang puno na kinuhanan ng larawan nang may ilang taon na pagitan sa isa’t isa. Sa inyong study journal, ilista ang anumang katibayang nagpapakita na lumalaki ang puno.

Maaaring gumawa ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo para ibahagi ang kanilang listahan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  • Paano natin maihahambing ang mga larawang ito ng puno sa ating espirituwal na pag-unlad upang maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

  • Sa anu-anong paraan natin malalaman kung paano tayo espirituwal na lumalago at nagiging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

Ipaliwanag na matutukoy natin ang espirituwal na pag-unlad sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa natutuhan natin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at kung paano ito nakatulong sa atin na mapabuti ang ating ugnayan sa Kanila.

Sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto upang rebyuhin ang natutuhan at ipinamuhay nila mula sa karanasan nila sa seminary ngayong taon. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga banal na kasulatan at mga tala.

  • Ano ang natututuhan ninyo sa seminary na tumutulong sa inyo na umunlad sa espirituwal na aspeto at maging higit na katulad ni Jesucristo?

  • Anong katibayan ng espirituwal na pag-unlad ang napansin ninyo sa inyong buhay?

Ipaliwanag ang kahalagahan ng walang-hanggang kasal sa plano ng Ama sa Langit

Ang pagsasanay na ito ay makatutulong sa mga estudyante na ipaliwanag ang kahalagahan ng walang-hanggang kasal sa plano ng Ama sa Langit. Sabihin sa mga estudyante na balikan ang larawan na maaaring idinrowing nila sa Lesson 29: “Genesis 24.” Bigyan ng oras ang mga estudyante na balikan ang natutuhan nila tungkol sa kasal sa Lesson 9: “Genesis 1:28–2:25” at Lesson 29: “Genesis 24.”

Simple drawing of the Salt Lake Temple with a mountain behnd it

Maaaring balikan ng mga estudyante ang anumang tala o ideya na isinulat nila sa kanilang study journal. Maaari din nilang balikan ang mga sumusunod na talata at anumang bagay na maaaring minarkahan nila:

Genesis 1:27–28

Genesis 2:18, 21–24

Doktrina at mga Tipan 49:15–17

Doktrina at mga Tipan 131:1–4

Upang matulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang kanilang naunawaan tungkol sa walang-hanggang kasal, magbahagi ng isang sitwasyon na tulad ng sumusunod. Maaari mong iangkop ang sitwasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Ngayong araw sa paaralan, pinag-uusapan ninyo ang mga plano sa hinaharap kasama ang ilang kaibigan. Binanggit mo ang kasal bilang isa sa iyong mga plano. Nagtanong ang isa sa mga kaibigan mo: “Mukhang malayo ang mararating mo sa pipiliin mong propesyon. Bakit gusto mong magpakasal?”

  • Gamit ang natutuhan ninyo tungkol sa walang-hanggang kasal sa plano ng Ama sa Langit, paano ninyo sasagutin ang inyong kaibigan?

Maaaring mag-ukol ng ilang minuto ang mga estudyante upang maplano ang kanilang mga sagot. Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng ilang talata sa banal na kasulatan na napag-aralan nila sa Lumang Tipan o iba pang banal na kasulatan. Hikayatin sila na ibahagi ang mga banal na kasulatang iyon bilang bahagi ng kanilang mga paliwanag.

Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Anyayahan ang bawat estudyante na magsanay na ipaliwanag ang sasabihin nila sa kanilang kaibigan.

Makadama ng mas matinding hangaring gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos

Maaaring nagdrowing ang mga estudyante ng larawan ng panaginip ni Jacob bilang bahagi ng Lesson 31: “Genesis 28.” Maaari nilang tingnan ulit ang kanilang mga larawan bilang bahagi ng pagbabalik-aral nila ng mga tipan. Maaari mo ring ipakita ang sumusunod na larawan. Sabihin sa mga estudyante na balikan ang naaalala nila mula sa pangyayaring ipinakita tungkol sa paggawa at pagtupad ng mga tipan (tingnan din sa Lesson 23: “Genesis 12, 17”). Kung makatutulong, maaaring balikan ng mga estudyante ang Genesis 28:10–21.

The Old Testament prophet Jacob (Israel) lying asleep under a tree. A depiction of Jacob's dream of a ladder and angels descending from heaven is portrayed in the background.

Maaari mong ipaalala sa mga estudyante na nakipagtipan si Jacob sa Diyos matapos lisanin ang tahanan ng kanyang mga magulang at magsimulang mamuhay nang mag-isa. Bilang bahagi ng Lesson 31:Genesis 28, pinagnilayan ng mga estudyante ang pagkakataong kakailanganin nila upang makipagtipan sa Diyos sa templo. Maaaring nagsulat ang mga estudyante sa kanilang study journal ng mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga ipinangakong pagpapala ang naranasan mo sa pagsisikap na tuparin ang iyong mga tipan sa Diyos o sa paglilingkod sa templo?

  • Anong mga sitwasyon ang maaari mong harapin sa hinaharap kung saan matutulungan ka ng pangangalaga at proteksyong ipinangako ng Diyos sa mga taong makikipagtipan sa Kanya?

Kung nauugnay, anyayahan ang mga estudyante na balikan ang mga sagot na isinulat nila. Pagkatapos ng sapat na oras, bigyan ang mga estudyante ng papel at mga sobre para sa sumusunod na aktibidad.

Gamit ang natutuhan ninyo tungkol sa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Diyos, sumulat sa inyong sarili ng isang liham na maaari ninyong basahin kapag nakapagtapos na kayo ng high school. Isulat kung bakit sa palagay ninyo ay mahalagang gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos sa templo at sa buong buhay ninyo. Isama kung paano ninyo mas matatamo ang patnubay, pangangalaga, at proteksyon ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa Kanya.

Makibahagi sa pagtitipon ng Israel

Sa Lesson 24: “Abraham 2:9–11,” maaaring gumawa ang mga estudyante ng plano na makibahagi sa pagtitipon ng Israel. Kung gayon, bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralang muli ang kanilang mga plano. Maaaring kasama sa kanilang mga plano ang mga paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, pagtulong sa iba na gumawa o tumupad ng mga tipan sa Panginoon, o pagpalain ang iba sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Maaaring gamitin ng mga estudyante na hindi pa nakagawa ng plano ang sumusunod na visual para masimulan ang paggawa nito.

Maaaring may mga plano kayo na makibahagi sa pagtitipon ng Israel. Pag-isipan ang mga planong ito sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na graphic sa inyong study journal.

Anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi kung ano ang mga naranasan nila sa pagsunod sa kanilang mga plano at kung paano sila naapektuhan ng mga karanasang iyon. Hilingin sa mga estudyante na ibahagi kung paano nakaimpluwensya ang pakikibahagi nila sa pagtitipon ng Israel sa kanilang nadarama para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Sabihin sa mga estudyante na patuloy na hingin ang tulong ng Espiritu Santo upang malaman ang mga paraan kung paano sila makikibahagi sa pagtitipon ng Israel. Hikayatin ang mga estudyante na maaaring hindi pa kumikilos ayon sa kanilang plano na magsimula na ngayon. Patotohanan ang mga pagpapalang ibibigay sa kanila ng Panginoon at sa iba kapag isinagawa nila ang kanilang mga plano.