“Exodo 1–6: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Exodo 1–6: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Exodo 1–6
Exodo 1–6
Buod
Matapos pumanaw ni Jose, naging mga alipin ng mga Ehipcio ang mga Israelita. Narinig ng Panginoon ang kanilang mga pagdaing at tinawag si Moises upang iligtas sila. Nangako ang Diyos na palalakasin si Moises at ibibigay sa kanya ang mga salitang dapat niyang sabihin.
Ang Tagapagligtas ay palaging handang tumugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral. Ang iyong mga estudyante ay nagmula sa iba’t ibang background at sitwasyon. Ang pagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante ay makatutulong sa iyo na magturo na katulad ng Tagapagligtas. Matatagpuan ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 40: “Exodo 5–6.” Para malaman pa ang tungkol dito, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Palaging Handang Tumugon sa mga Pangangailangan ng Iba” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 17).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Exodo 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na hangaring unahin ang Diyos sa kabila ng iba pang pamimilit.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang kapamilya o kaibigan kung paano nila nakita na pinagpala sila ng Diyos sa pagsunod sa Kanya sa halip na sa iba.
-
Nilalamang ipapakita: Mga pahayag tungkol sa pag-assess sa sarili sa simula ng lesson; mga tanong na sasagutin ng mga estudyante sa kanilang study journal sa pagtatapos ng lesson
-
Video: “Leave the Party” (6:26) o “Maging Matapang sa Kagitingan, Lakas, at Gawain” (10:35) mula sa time code na 1:20 hanggang 5:13
Exodo 2–4
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas lubos na mailakip sa kanilang buhay ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralang muli ang mga itinuro ng propeta kamakailan. Pagkatapos ay anyayahan silang talakayin sa isang kapamilya o kaibigan kung paano napagpala ng pagsunod sa mga turo ng propeta ang kanilang buhay.
-
Mga Video: “Ang Propeta ng Diyos” (16:04) mula sa time code na 9:25 hanggang 9:44; “Baby Moses” (1:37); “Why Do We Have Prophet?” (1:37); “Listen to a Prophet” (2:56) mula sa time code na 0:53 hanggang 2:56
-
Nilalamang ipapakita: Mga pahayag tungkol sa pag-assess sa sarili sa simula ng lesson
-
Mga larawan: Ang Sanggol na si Moises; Si Moises at ang nagliliyab na palumpong; isang larawan ng Tagapagligtas
Exodo 5–6
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang mga pangako ng Panginoon ay makahihikayat sa kanila na sundin ang Kanyang kalooban, anuman ang kaagad na resulta nito.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong: Nagiging mas madali o mas mahirap ba ang buhay sa pagsunod kay Jesucristo?
-
Mga Video: “Ang Ating Kaugnayan sa Diyos” (13:17) mula sa time code na 2:26 hanggang 4:05
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili