Seminary
Genesis 42–50: Buod


“Genesis 42–50: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 42–50: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 42–50

Genesis 42–50

Buod

Sa loob ng pitong taon ng taggutom na ipinropesiya ni Jose ng Egipto, dumating ang kanyang mga kapatid mula sa Caanan para bumili ng pagkain sa Egipto. Hindi nakilala si Jose ng kanyang mga kapatid, pero nakilala niya sila. Pinaratangan sila ni Jose na mga espiya, ipiniit niya si Simeon sa bilangguan, at sinabihan niya silang bumalik kasama ang kanilang bunsong kapatid na si Benjamin. Binigyan sila ni Jose ng pagkain at inilagay ang perang ibinayad nila sa kanilang mga sako ng pagkain. Kalaunan, nang bumalik sila kasama si Benjamin, ibinunyag ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang mga kapatid at pinatawad niya sila. Hindi nagtagal, dumating upang manirahan sa Egipto ang ama ni Jose na si Jacob at ang kanyang buong pamilya. Sa pagtatapos ng kanyang buhay, nagpropesiya si Jose ng Egipto na sa mga huling araw, ibabangon ng Panginoon ang isang propeta upang ilabas ang mga tao sa kadiliman. Ang propetang iyon ay si Joseph Smith.

icon ng seminaryMaghanap ng mga angkop na paraan para maipakita ang iyong pagmamahal. Kapag nadama ng mga taong tinuturuan mo ang iyong pagmamahal, mas malamang na madarama rin nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa kanila habang nagtuturo ka. Ang Tagapagligtas ay palaging naghahanap ng mga natatangi at personal na paraan upang matulungang madama ng mga taong tinuruan Niya ang Kanyang pagmamahal. Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagmamahal sa Kanyang mga Tinuruan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 14–15).

Maghanap ng mga pagkakataon sa linggong ito upang angkop na maipahayag ang iyong pagmamahal sa iyong mga estudyante. Ang isang paraan kung paano mo ito magagawa ay magpadala ng mensahe sa mga magulang ng ilang estudyante na magbabahagi ng positibong bagay na napansin mo sa kanilang anak. (Para sa karagdagang training, tingnan sa “Maghanap ng mga angkop na paraan para maipakita ang iyong pagmamahal” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailanganin mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Genesis 42–45

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagiging mas mapagpatawad.

Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang patotoo na tinawag ng Panginoon si Joseph Smith na maging propeta.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isulat kung ano ang ginawa ni Propetang Joseph Smith na nakatulong sa kanila na mas mapalapit kay Jesucristo. Maaari din nilang hilingin sa isang kapamilya o kaibigan na ibahagi ang kanilang mga saloobin at maging ang mga damdamin.

  • Nilalaman na ipapakita: Isang chart na may dalawang column kung saan ang isang column ay may pamagat na “Propesiya tungkol kay Joseph Smith” at ang isa pa ay may pamagat na “Mga posibleng paraan na naisakatuparan ang propesiya”

  • Mga Larawan: Si Jose sa Egipto; Moises; Joseph Smith; Jesucristo

  • Video:Si Joseph Smith” (14:49) mula sa time code na 11:44 hanggang 12:48

I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang paglagong naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Genesis 12–50 at Abraham 1–2.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga paraan na umunlad sa espirituwal na aspekto mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan at Mahalagang Perlas sa taon na ito. Maaari mong imungkahi na rebyuhin nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan silang mapansin ang kanilang paglago at pagkatuto.

  • Nilalaman na ipapakita: Drowing ng maliit pang puno at matandang puno; larawan ng templong ginamit sa Lesson 29: “Genesis 24;” graphic tungkol sa mga plano ng mga estudyante na tipunin ang Israel

  • Mga Larawan: Ang panaginip ni Jacob