Seminary
Genesis 24: Ang Pagpapala ng Tipan ng Kasal


“Genesis 24: Ang Pagpapala ng Tipan ng Kasal,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 24: Ang Pagpapala ng Tipan ng Kasal,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 24–33: Lesson 29

Genesis 24

Ang Pagpapala ng Tipan ng Kasal

Temple Marriage

Bagama’t tila hindi makakamtan ni Isaac ang walang-hanggang kasal, naghanda ng daan ang Panginoon para sa kanya. Tayo rin ay makakaasa sa Panginoon at magtitiwala na tayo ay matutulungan Niya na maghanda para sa mga pagpapala ng walang-hanggang kasal at matamasa ito balang-araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng walang-hanggang tipan ng kasal sa plano ng Ama sa Langit.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang tanong na maaaring mayroon sila o ang isang taong kilala nila tungkol sa kasal sa templo at pumunta sa klase nang may panalangin na mahahanap ang mga sagot sa tanong na iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Kasal sa templo

Dahil maaaring maging mahirap para sa ilang estudyante na talakayin ang tungkol sa pag-aasawa, mapanalanging mag-isip ng mga paraan upang maihanda at maituro ang paksang ito nang may pagiging sensitibo at nang may pagmamahal.

Upang maihanda ang mga estudyante na talakayin ang paksa ng pag-aasawa, maaari mong ipakita ang larawan sa simula ng lesson, kasama ang sumusunod na sitwasyon.

Kunwari ay sinabi ng inyong kaibigan: “Ganoon ba talaga kahalaga na ikasal sa templo? Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal doon; parang imposibleng mangyari iyon sa akin. Gusto ko lang makahanap ng taong mamahalin ko.”

  • Ano kaya ang ilang paniniwala ng inyong kaibigan tungkol sa kasal sa templo?

  • Anong mga katotohanan ang maaaring hindi nauunawaan ng inyong kaibigan tungkol sa Diyos at sa kasal sa templo?

    Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang personal mong nadarama tungkol sa kasal sa templo?

  • Anong mga tanong o alalahanin ang mayroon ka tungkol sa kasal sa templo?

Sa pag-aaral ninyo ng Genesis 24, anyayahan ang Espiritu na tulungan kayong maunawaan ang kahalagahan ng kasal sa templo. Maghanap ng kaalaman kung paano kayo matutulungan ng Panginoon na maikasal nang walang-hanggan sa templo.

Isang mahalagang paglalakbay

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang konteksto ng Genesis 24, anyayahan silang tingnan ang sumusunod na mapa. Kung may access sila sa Latter-day Saint edition ng King James Bible, makikita nila ito bilang map 9, “The World of the Old Testament,” sa Bible Maps section. Basahin o ibuod ang sumusunod na talata, at sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga babanggitin mong lugar sa mapa. Kung kinakailangan, ipakita sa mga estudyante kung saan matatagpuan ang Canaan (numero 13) at Haran (numero 8).

Nanirahan si Abraham at ang kanyang pamilya sa Canaan kasama ang mga taong sumasamba sa mga diyus-diyusan at gumagawa ng iba pang masasamang gawain. Si Abraham ay may mga kamag-anak na nakatira sa Haran, kung saan dating nanirahan si Abraham.

Bago basahin ang mga sumusunod na talata, ipaliwanag na ang salitang “hita” ay pinalitan ng Joseph Smith Translation ng “kamay” sa talata 2 at 9. Nangangahulugan ito na si Abraham at ang kanyang tagapaglingkod ay nagkaroon ng kasunduan.

Basahin ang Genesis 24:1–4, 7–9, at alamin ang mga tagubilin na ibinigay ni Abraham sa kanyang tagapaglingkod tungkol sa anak niyang si Isaac.

  • Ano ang ipinagawa sa tagapaglingkod ni Abraham?

  • Ano ang nakikita ninyo sa talata 7 na nagpapakita na nagmamalasakit ang Panginoon tungkol sa kung sino ang pakakasalan ni Isaac?

    Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang scale sa mapa upang alamin kung ilang milya o kilometro ang paglalakbay na ito. Tulungan ang mga estudyante na makita na inutusan ni Abraham ang kanyang tagapaglingkod na maglakbay nang halos 1,200 milya (1,931 kilometro) nang balikan upang maghanap ng asawa para kay Isaac.

  • Sa inyong palagay, bakit sulit ang gayong sakripisyo na hindi makapag-asawa si Isaac ng isa sa mga anak na babae ng mga taga-Canaan?

Kung kinakailangan, ipaliwanag na noong itinatag ng Diyos ang Kanyang tipan kina Abraham at Sara, sinabi Niya na mapananatili lamang ng mga inapo ni Abraham ang mahalagang tipan na ito sa Kanya kung ikakasal sila ayon sa Kanyang batas. Kailangan nilang pumasok sa “bago at walang hanggang tipan ng kasal” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4). Sa kasalukuyang panahon, tayo ay pumapasok sa tipan na ito kapag ikinasal tayo sa mga banal na templo ng Panginoon.

Walang sinuman sa lupain ng Canaan ang maaaring pakasalan ni Isaac sa tipan. Mapangangalagaan lamang ang tipan sa pamamagitan ng isang tao na mula sa pamilya ni Abraham sa Haran.

Ang tulong ng Panginoon

Ipakita ang sumusunod na larawan, at sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang nalalaman tungkol sa nakalarawan dito. Maaari mong basahin o ibuod ang sumusunod na talata kung kinakailangan.

The Old Testament figure Rebekah pouring water from a jug into a cup.  The cup is held by the servant of Abraham.  The servant is depicted seeking a wife for Isaac, the son of Abraham.

Naglakbay nang malayo ang tagapaglingkod ni Abraham papunta sa Haran upang maghanap ng asawa para kay Isaac. Habang naghihintay sa may balon, nanalangin at humiling siya sa Diyos ng kakayahang malaman kung sino ang nais ng Panginoon na mahanap niya.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga sumusunod na talata nang mag-isa, nang may kapartner, o bilang isang klase.

Para sa aktibidad sa ibaba, makatutulong na ipaliwanag na ang pangalang “Jehova” sa King James Version ng Biblia ay karaniwang tinutukoy bilang PANGINOON na lahat ay malaki ang letra. Sa kabilang banda, ang mga salitang “Panginoon” o “panginoon” ay maaaring tumutukoy lamang sa isang taong mayhawak ng kapangyarihan, awtoridad, o impluwensya, tulad ng isang amo o pinuno. (Tingnan sa Bible Dictionary, “Jehovah”)

Basahin ang Genesis 24:12–27, at alamin kung paano tinulungan ng Panginoon ang tagapaglingkod ni Abraham na makahanap ng asawa para kay Isaac. Maaaring makatulong na markahan kapag nakita ninyo ang salitang PANGINOON na malaki ang bawat letra.

  • Ano ang nalaman ninyo?

Maaari mong ibuod ang natitirang bahagi ng Genesis 24 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sumusunod na talata.

Nakilala ng tagapaglingkod ni Abraham ang kapatid na lalaki at ama ni Rebecca. Ipinaliwanag niya kung sino siya at kung paano siya tinulungan ng Panginoon na mahanap si Rebecca. Kinabukasan, buong tapang na pinili ni Rebecca na bumalik kasama ng tagapaglingkod at magpabuklod kay Isaac sa tipan ng walang-hanggang kasal (tingnan sa Genesis 24:29–67).

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa Panginoon sa pamamagitan ng salaysay tungkol kina Isaac at Rebecca at sa kanilang walang-hanggang kasal?

    Maaaring sumagot ng iba’t ibang katotohanan ang mga estudyante, ngunit tiyaking nauunawaan nila na tayo ay tutulungan ng Panginoon kapag nagsikap tayong pumasok sa walang-hanggang tipan ng kasal.

  • Paano matutulungan ng Panginoon ang isang tao na nagsusumikap para sa isang walang-hanggang kasal ngunit nag-aalala na hindi niya matatanggap kailanman ang pagpapalang ito?

  • Sa inyong palagay, bakit napakahalaga ng walang-hanggang kasal sa Panginoon?

Bakit napakahalaga ng walang-hanggang kasal sa Panginoon?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang kahalagahan ng walang-hanggang kasal, sabihin sa kanila na magdrowing ng simpleng larawan ng templo sa kanilang study journal, gaya ng nasa ibaba.

Simple drawing of the Salt Lake Temple with a mountain behnd it

Sa ilalim ng inyong drowing na templo, sumulat ng tanong na makatutulong sa inyo na mas maunawaan ang mga katotohanan na natutuhan ninyo ngayon. Maaari na sarili ninyo itong tanong, isang tanong mula sa kakilala ninyo, o isa sa mga sumusunod:

  • Bakit mahalaga ang walang-hanggang kasal?

  • Anong mga pagpapala ang matatamo ko sa pamamagitan ng pagpapakasal sa templo at pagsisikap na tuparin ang mga tipang iyon?

  • Paano ako matutulungan ng Panginoon na matamo balang-araw ang mga pagpapala ng walang-hanggang kasal?

Sabihin sa mga estudyante na maglaan ng 5–8 minuto upang tapusin ang sumusunod na aktibidad nang mag-isa o may kapartner. Maaari mong sabihin sa kanila na ilista sa kanilang study journal ang mga sagot na mahahanap nila. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na maaaring hindi sila makahanap ng mga malinaw na sagot sa kanilang mga tanong; gayunpaman, ang pagsisikap na magtanong at maghangad ng pag-unawa ay mahalagang bahagi ng pagkilos nang may pananampalataya sa Diyos.

icon ng seminaryIpamahagi ang handout na may pamagat na “Walang-Hanggang Kasal” sa mga estudyante na nais itong pag-aralan.

Upang matulungan kayo na masagot ang inyong tanong, maghanap sa iba’t ibang resources ng Simbahan, gaya ng sumusunod:

  • Mga doctrinal mastery passage (Genesis 2:24; 1 Corinto 11:11; Doktrina at mga Tipan 131:1–4)

  • Ang handout na may pamagat na “Walang-Hanggang Kasal”

  • “Kasal” at mga nauugnay na entry, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library

  • Mga pariralang gaya ng “tipan ng kasal” o “kasal sa templo” sa Gospel Library search

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan.

Personal na pagninilay

Pagnilayan ang sitwasyon mula sa simula ng klase. Sa iyong study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano mo sasagutin ang tanong ng kaibigan mo tungkol sa kung bakit mahalaga ang kasal sa templo?

  • Ano ang natutuhan mo ngayon tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo na makapagbibigay sa iyo ng pag-asa sa mga pagsisikap mo na matamo ang mga pagpapala ng kasal sa templo?

Anyayahan ang mga estudyante na handang magbahagi ng kanilang isinulat.

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kahalagahan ng tipan ng kasal, at hikayatin ang iyong mga estudyante na magsimula na ngayon na maghanda para dito.