“Genesis 24–33: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Genesis 24–33: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Genesis 24–33
Genesis 24–33
Buod
Naghanda ang Panginoon ng paraan upang makapasok si Isaac sa tipan ng walang-hanggang kasal. Kalaunan ay nagkaanak sila ni Rebecca ng kambal na sina Jacob at Esau. Gayunman, nang lumaki na si Esau, hindi niya inuna ang pagtanggap sa pagkapanganay o sa kanyang mga walang-hanggang pagpapala. Tinanggap ni Jacob ang pagkapanganay at naglakbay siya patungo sa bayan ng kanyang ina upang maghanap ng asawa. Habang naglalakbay, nagkaroon siya ng pangitain na naghikayat sa kanya na makipagtipan sa Diyos sa tipang Abraham. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makasal sa loob ng tipan, matamo ang mga pagpapala ng Panginoon sa kanyang gawain sa araw-araw, at magawa ang iniutos sa kanya ng Diyos upang mapabuti ang mga ugnayan ng kanyang pamilya.
Hikayatin ang mga Mag-aaral na Ibahagi ang mga Katotohanang Natututuhan Nila. Sa pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi sa isa’t isa ang natututuhan nila, matutulungan silang magkaroon ng dagdag na kumpiyansa sa klase. Upang matutuhan ang iba pa, tingnan sa “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Ibahagi ang mga Katotohanang Natutuhan Nila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas p. 26). Makikita ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 31: “Genesis 28.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.
Genesis 24
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng walang-hanggang tipan ng kasal sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang tanong na maaaring mayroon sila o ang isang taong kilala nila tungkol sa kasal sa templo at pumunta sa klase nang may panalangin na mahahanap ang mga sagot sa tanong na iyon.
-
Mga Larawan: Kasal sa templo, “Rebekah at the Well [Si Rebecca sa Tabi ng Balon],” isang simpleng drowing ng templo
-
Handout: Handout na may pamagat na “Walang Hanggang Kasal”
Genesis 25–27
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas pahalagahan ang mga walang hanggang pagpapala ng Panginoon kaysa sa mga makamundong hangarin.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na mapanalanging suriin kung gaano karaming oras ang inuukol nila sa mga bagay ng Diyos (hal., panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, aktibidad sa simbahan) at sa mga bagay ng mundo. Sabihin sa kanila na tukuyin ang anumang bagay sa mundo na maaaring mas nagiging priyoridad nila kaysa sa mga bagay na walang hanggan.
-
Mga Video: “Jacob and Esau” (2:06), “No Regrets” (5:38)
Genesis 28
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangarin na makipagtipan sa Diyos sa templo.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahing muli ang mga pangako ng tipang Abraham (Abraham 2:8–11). Maaaring hikayatin ang mga estudyante na subukan at ipaliwanag sa isang miyembro ng kanilang pamilya ang tungkol sa tipang Abraham at kung bakit ito mahalaga sa kanila.
-
Larawan: Larawan ng isang templo
Genesis 29–33
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kahandaang hayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilista ang mga paraan kung paano nagiging impluwensya ang Diyos sa kanilang buhay. Kung nais ng mga estudyante na madagdagan pa ang kaalaman nila tungkol sa paksang ito, maaari silang makinig, manood, o magbasa ng mga bahagi ng mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos” (18:51).
Kung magpapasiya kang ipaturo sa mga estudyante o grupo ng mga estudyante ang materyal sa tatlong handout sa lesson, ibigay ang mga ito sa mga estudyante nang kahit isang class period man lang bago ang pagtuturo. Para sa paghahanda ng mga estudyante, sabihin sa kanila na pag-aralan ang materyal at maghandang pangunahan ang klase.
-
Mga Video: “Hayaang Manaig ang Diyos” (18:51) mula sa time code na 12:18 hanggang 13:02, “Jacob and His Family” (3:00)
-
Mga Handout: “Gumawa si Jacob ng malalaking sakripisyo upang maikasal sa loob ng tipan,” “Mga pagpapala sa ating temporal na buhay,” at “Naghanda si Jacob para sa pakikipagkita kay Esau”