Seminary
Abraham 2:9–11: Ang Ating mga Responsibilidad sa Tipang Abraham


“Abraham 2:9–11: Ang Ating mga Responsibilidad sa Tipang Abraham,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Abraham 2:9–11: Ang Ating mga Responsibilidad sa Tipang Abraham,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 12–17; Abraham 1–2: Lesson 24

Abraham 2:9–11

Ang Ating mga Responsibilidad sa Tipang Abraham

A young man in a black shirt standing and showing an open Book of Mormon to another young man standing beside him.

Nakipagtipan ang Panginoon kay Abraham at sa kanyang mga inapo. Bilang binhi ni Abraham, may responsibilidad tayo sa tipan na dalhin ang mga pagpapala ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa lahat ng pamilya sa mundo. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na kumilos ayon sa mga responsibilidad na ibinigay sa kanila ng Panginoon bilang binhi ni Abraham.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong at talakayin ang mga ito sa isang kapamilya: “Bakit mahalaga sa iyo ang ebanghelyo ni Jesucristo? Sa iyong palagay, bakit ito kailangan ng lahat ng tao?”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang binhi ni Abraham

Maaari mong simulan ang klase sa pagbibigay sa mga estudyante ng 30 segundo upang maglista hangga’t kaya nila ng mga salitang makapaglalarawan sa kanilang sarili. Pagkatapos, sabihin sa mga estudyante na bilugan ang tatlong salita na pinakamainam na naglalarawan sa kanila. Maaaring ibahagi ng ilang estudyante ang kanilang mga sagot sa klase.

  • Sa anong mga paraan naiimpluwensyahan ang inyong pag-uugali ng mga bagay na ito na tumutukoy sa inyo?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol sa ating identidad:

17:8
Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Maaaring nasisiyahan kayo sa musika, palakasan, o mahilig magmekaniko, at balang-araw maaaring makapagtrabaho kayo sa isang negosyo o magamit ang inyong propesyon o sa sining. Kahit gaano pa kahalaga ang gayong mga gawain o trabaho, hindi nito inilalarawan kung sino tayo. Una sa lahat, tayo’y mga espirituwal na nilalang. Tayo’y mga anak na lalaki [at anak na babae] ng Diyos at binhi ni Abraham. (“Pagiging Misyonero,” Liahona, Nob. 2005, 47)

  • Ano ang pinakanapansin ninyo mula sa itinuro ni Elder Bednar tungkol sa ating pinakamahahalagang identidad?

Kung pinag-aralan ng mga estudyante ang Lesson 23: “Genesis 12; 17,” anyayahan sila na ibuod sa isang kaklase ang naaalala nila tungkol sa tipang Abraham. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na bilang binhi, o inapo, ni Abraham, hindi lamang tayo pinangakuan ng mahahalagang pagpapala, kundi nakikipagtipan din tayo na gagampanan natin ang mahahalagang responsibilidad. Sabihin sa kanila na kumpletuhin ang sumusunod na self-assessment.

Piliin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo para sa iyo:

  • Nauunawaan ko ang aking mga responsibilidad bilang binhi ni Abraham.

  • Sinisikap kong gampanan ang aking mga responsibilidad bilang binhi ni Abraham.

  • Nakadarama ako ng malaking kagalakan sa pagtupad sa aking mga responsibilidad bilang binhi ni Abraham.

  • Hindi ko nauunawaan kung ano ang mga responsibilidad ko bilang binhi ni Abraham.

  • Mayroon akong mga tanong tungkol sa mga responsibilidad ko bilang binhi ni Abraham.

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang anumang tanong na maaaring mayroon sila o impresyon na nadama nila nang pag-isipan nila ang mga pahayag na ito. Anyayahan sila na humingi ng paghahayag mula sa kanilang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang malaman kung paano nila higit na magagampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang binhi ni Abraham.

icon ng doctrinal mastery Ang Abraham 2:9–11 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan para madali nilang mahanap ang mga ito.

Basahin ang Abraham 2:8–11, at alamin ang ating mga responsibilidad bilang binhi ni Abraham.

  • Ano ang inaasahan sa atin ng Tagapagligtas?

    Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na magtanong ng anuman tungkol sa mga talata. Habang tinatalakay ninyo ang mga responsibilidad sa tipang Abraham, tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng: Bilang binhi ni Abraham, binigyan tayo ng Tagapagligtas ng responsibilidad na pagpalain ang lahat ng pamilya sa mundo sa pamamagitan ng mga pagpapala ng Kanyang ebanghelyo.

    Maaaring makinabang ang mga estudyante sa kaalaman na magagampanan nila ang kanilang responsibilidad sa tipan sa pamamagitan ng pagtulong na tipunin ang Israel.

  • Ano ang ilang paraan na magagawa natin upang mapagpala ang lahat ng pamilya sa mundo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?

Basahin ang 1 Nephi 15:18, at alamin kung kailan matutupad ang tipang Abraham.

Pinatotohanan ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Responsibilidad nating tumulong upang matupad ang tipang Abraham. Atin ang binhing inorden na noon pa at inihanda upang pagpalain ang lahat ng mga tao sa mundo. Kaya nga kabilang sa tungkulin ng priesthood ang gawaing misyonero. Pagkaraan ng 4,000 taon ng paghihintay at paghahanda, ito ang takdang araw kung kailan ang ebanghelyo ay dadalhin sa mga tao sa mundo. Ito ang panahon ng ipinangakong pagtitipon ng Israel. At kabahagi tayo! Hindi ba’t kapana-panabik [ito]? (“Mga Tipan,” Liahona, Nob. 2011, 88)

Sa tuwing gumagawa tayo ng kahit ano na makatutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—para gawin at tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos, tumutulong tayo na tipunin ang Israel. (“Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–93)

  • Ano ang nadarama ninyo tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo?

  • Sa inyong palagay, bakit ito kailangan ng lahat ng tao?

  • Ano ang mga naging karanasan ninyo (o ng mga taong kilala ninyo) sa pagtitipon ng Israel?

Pagtupad sa ating mga responsibilidad

icon ng seminaryAng bahaging ito ng lesson ay nagbibigay sa mga estudyante ng oras sa klase na gawin ang isang bagay upang magampanan ang kanilang mga responsibilidad sa tipang Abraham. Maaari kang gumawa ng mga istasyon ng pag-aaral batay sa sumusunod na handout. Maaaring pumili ang mga estudyante ng isang aktibidad na pagtutuunan, o maaari nilang gawin nang isa-isa ang iba’t ibang aktibidad. Maaari kang magtalaga ng mga estudyanteng lider sa bawat istasyon upang tulungan ang kanilang mga kaklase na makumpleto ang mga aktibidad. Sabihin sa mga estudyante na humingi ng inspirasyon kapag pumipili ng pagtutuunan.

Pagkatapos ng sapat na oras, hayaang ibahagi ng mga estudyante ang aktibidad na pinili nila at kung ano ang nadama nila na dapat nilang gawin.

icon ng seminary Sa pagsagot ng mga estudyante sa ilan o sa lahat ng sumusunod na tanong, mag-isip ng mga paraan upang matulungan ang mga estudyante na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Ang isang paraan para magawa mo ito ay itanong sa iyong sarili, “Ano pa ang maipagagawa ko sa kanila?” Ang pagtatanong sa iyong sarili ng ganitong uri ng tanong ay makapag-aanyaya ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo sa kung paano matutulungan ang mga estudyante na kumilos ayon sa personal na paghahayag na natatanggap nila.

Para sa karagdagang training tungkol sa mga follow-up na tanong na nag-aanyaya ng personal na paghahayag, tingnan ang “Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.

Maaaring makatulong sa mga estudyante ang oras na pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang ginawa mo o anong mga plano ang ginawa mo upang mapagpala ang iba sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?

  • Ano ang iyong nadama na dapat mong gawin sa mga darating na araw at linggo upang:

    • Tulungan ang iba na gumawa o tumupad ng mga tipan?

    • Ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas?

    • Tulungan ang mga tao sa kabilang panig ng tabing?

Maaari mong patotohanan ang ating mahalagang responsibilidad, bilang binhi ni Abraham, na ibahagi ang mga pagpapala ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa lahat ng tao.

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at balikan ang mga ito sa mga susunod na lesson. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Abraham 2:9–11 ay “Ipinangako ng Panginoon kay Abraham na ang kanyang binhi ay ‘dadalhin ang pangangaral na ito at Pagkasaserdote sa lahat ng bansa.’” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”