Seminary
Abraham 1: “Naghahangad … na Maging Isang … Tagasunod ng Kabutihan”


“Abraham 1: ‘Naghahangad … na Maging Isang … Tagasunod ng Kabutihan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Abraham 1: ‘Naghahangad … na Maging Isang … Tagasunod ng Kabutihan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 12–17; Abraham 1–2: Lesson 22

Abraham 1

“Naghahangad … na Maging Isang … Tagasunod ng Kabutihan”

The painting portrays Abram kneeling, his head bowed.  Melchizedek lays his hands on his head blessing him.  His eyes are shut and his face looks up.  An attendant holds bread and wine.

Si Abraham ay lumaking napaliligiran ng kasamaan at pagsamba sa mga diyus-diyusan. Sa kabila ng mga sitwasyong ito, hinangad ni Abraham na sundin si Jesucristo, na kilala sa premortal na buhay at kilala ni Abraham bilang si Jehova. Habang nagsisikap si Abraham para sa kanyang mabubuting hangarin, pinagpala siya ng Panginoon na matamo ang mga ito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng pag-asa na matutulungan sila ng Ama sa Langit na matamo ang mga pagpapalang nais Niyang matanggap nila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ilista ang pinakagusto nila sa buhay at isipin kung ano ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa pinakagusto nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang ninanais mo?

Simulan ang lesson sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring nahihirapan silang maniwala na matutulungan sila ng Panginoon na matamo ang isang mabuting pagpapala na ninanais nila. Para magawa ito, maaari mong ibahagi ang mga sumusunod na hindi kumpletong sitwasyon at sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang isang balakid na maaaring kaharapin ng indibiduwal.

May matinding hangarin si Samantha na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang ebanghelyo sa ibang tao. Gayunpaman, tila mahirap ito ngayon dahil …

May matinding hangarin si Yuchen na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanyang ikapu. Gayunpaman, tila mahirap ito ngayon dahil …

May matinding hangarin si Carlos na sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Gayunpaman, tila mahirap ito ngayon dahil …

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang sarili nilang kalagayan at ang mga balakid na maaari nilang kaharapin sa pagsunod kay Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang sa kanilang study journal.

Sa iyong study journal:

  1. Isulat ang ilan sa mga pagpapalang pinakahinahangad mo sa buhay.

  2. Ilista ang anumang balakid na nakikita mo sa pagtatamo ng mga pagpapalang ito.

Habang inaaral ng mga estudyante ang Abraham 1, sabihin sa kanila na hingin ang tulong ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Matutulungan sila ng Espiritu Santo na makadama ng pag-asa na maaari nilang sundin si Jesucristo at matamo ang Kanyang mga pagpapala anuman ang mga balakid na maaaring maranasan nila.

Mga sitwasyon ni Abraham

Sa Lesson 3: Abraham 3, natutuhan ng mga estudyante ang mga pinagmulan ng aklat ni Abraham. Kung hindi mo ito ipinaliwanag sa Lesson 3, maaari mo na itong gawin ngayon. Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa mga pinagmulan ng aklat ni Abraham, maaari mong ipanood ang video na “The Book of Abraham | Now You Know” mula sa time code na 0:00 hanggang 2:43. Matatagpuan ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

Maaaring makatulong na magpagawa sa mga estudyante ng chart na may dalawang column. Maaari nilang lagyan ang unang column ng pamagat na “Mga pagpapalang hinangad ni Abraham” at ang pangalawa naman ay “Mga balakid na kinaharap ni Abraham.” Makatutulong ito na maisaayos ang natututuhan ng mga estudyante mula sa Abraham 1:1–7.

Mga pagpapalang hinangad ni Abraham

Mga balakid na kinaharap ni Abraham

Mga pagpapalang hinangad ni Abraham

Mga balakid na kinaharap ni Abraham

Basahin ang Abraham 1:1–7, at alamin ang mga pagpapalang hinangad ni Abraham at ang mga balakid na kinaharap niya upang matanggap ang mga pagpapalang iyon.

  • Ano ang pinakanapansin ninyo sa mga pagpapalang hinangad ni Abraham?

  • Bakit maaaring hinahangad rin ninyo ang mga pagpapalang ito?

  • Paano kaya nakatulong kay Abraham sa mahihirap na sitwasyong kinaharap niya ang hangarin niyang sundin si Jesucristo?

Tinulungan ni Jehova si Abraham na madaig ang mga balakid nito

Basahin ang Abraham 1:15–20, at alamin kung paano tinulungan ni Jehova si Abraham na madaig ang mga balakid na kinaharap niya.

Bilang alternatibo, maaari mong ipanood ang video na “Deliverance of Abraham” (1:38), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

1:37

Kung may oras pa, maaari kang maglaan ng kaunting oras para talakayin ang mahimalang paraan ng pagliligtas ni Jehova kay Abraham. Maaari mong ihambing ang kaligtasang ito sa mga paraan na inililigtas tayo ng Panginoon mula sa nagiging hadlang sa atin na mamuhay nang matwid. Maililigtas tayo ng Panginoon mula sa masasamang gawi tulad ng labis na paggamit ng social media o teknolohiya, o paggamit ng pornograpiya. Maaari mong patotohanan na maililigtas tayo ni Jehova mula sa anumang balakid na maaaring magpahirap sa atin na sumunod sa Kanya.

  • Ano sa palagay ninyo ang natutuhan ni Abraham tungkol kay Jehova mula sa karanasang ito?

  • Paano tayo matutulungan ng Ama sa Langit na madaig ang mga balakid sa pagtanggap ng mabubuting pagpapala na hinahangad natin?

Ipaliwanag sa mga estudyante na matapos mailigtas si Abraham, nagpunta siya kalaunan sa Canaan. Pinarangalan ng Panginoon si Abraham dahil kumilos ito ayon sa kanyang mga hangarin sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng priesthood at ng iba pang mahahalagang pagpapala. Ipinangako ng Diyos kay Abraham ang mga pagpapalang ito bilang bahagi ng tinatawag nating tipang Abraham. Matututuhan ng mga estudyante ang iba pang detalye tungkol sa tipang ito sa mga lesson sa hinaharap.

Kalaunan sa buhay ni Abraham, dinalaw siya ng Panginoon at nangako na tutuparin Niya ang lahat ng mabubuting hangarin ni Abraham (tingnan sa Abraham 2:9–11). Basahin ang Abraham 2:12–13, at alamin ang sinabi ni Abraham pagkatapos ng karanasang ito.

  • Anong mga alituntunin ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Abraham?

Maaaring matukoy ng mga estudyante ang iba’t ibang alituntunin na kinabibilangan ng: Kung hahangarin nating sundin si Jesucristo, ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang mabubuting pagpapala na hinahangad natin.

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, o panoorin ang video na “Ganap na Kaliwanagan ng Pag-asa” mula sa time code na 11:09 hanggang 11:38. Matatagpuan ang video sa ChurchofJesusChrist.org.

17:45
Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland.  Photographed January 2018.

Bakit hindi tayo dapat umasa na ang mabubuting hangarin at naisin na katulad ng kay Cristo ay sasagutin din nang kamangha-mangha at mahimala ng Diyos ng lahat ng pag-asa? Kailangan nating lahat na maniwala na ang ninanais natin sa kabutihan ay magiging atin pa rin balang-araw, sa anuman, o sa paano mang paraan. (“Ganap na Kaliwanagan ng Pag-asa,” Liahona, Mayo 2020, 83)

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo, o ipasulat sa mga estudyante ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal. Pagkalipas ng sapat na oras, maaaring magbahagi sa klase ang mga handang estudyante ng isa o dalawa sa mga sagot nila.

  • Paano nagbibigay sa iyo ng pag-asa ang mga sinabi ni Pangulong Holland at ang karanasan ni Abraham na matutulungan ka ng Panginoon na madaig ang mga balakid sa pagsunod kay Jesucristo?

  • Kailan tumulong ang Ama sa Langit sa iyo o sa isang kakilala mo na madaig ang mga balakid sa pagsunod kay Jesucristo?

Maaari mong ibahagi ang iyong karanasan kung kailan ka tinulungan ng Ama sa Langit na madaig ang isang balakid sa pagtanggap ng mabuting pagpapala.

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang natutuhan nila ngayon sa kanilang study journal.

Maaari mong anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi ang isinulat nila. Tapusin ang klase sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang ito.