“Genesis 18–23: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Genesis 18–23: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Genesis 18–23
Genesis 18–23
Buod
Matapos manirahan sa lupain ng Canaan noong una, ang pamangkin ni Abraham na si Lot at ang kanyang pamilya ay lumipat sa napakasamang lungsod ng Sodoma. Binalaan ng Panginoon ang pamilya ni Lot na tumakas sa lungsod bago ito mawasak. Bumalik ang asawa ni Lot at nasawi. Tinupad ng Panginoon ang Kanyang pangako na mga inapo kay Abraham nang isilang si Isaac. Bilang pagsubok sa pananampalataya ni Abraham, iniutos ng Panginoon kay Abraham na ialay bilang sakripisyo si Isaac. Nang mapatunayan ni Abraham ang kanyang katapatan, iniligtas ng Panginoon si Isaac at naglaan ng kapalit na sakripisyo.
Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Kapag tinutulungan ng mga titser ang mga estudyante na maipahayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob gamit ang sarili nilang mga salita, mapapalalim nito ang kanilang pag-unawa sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta. Makikita ang isang halimbawa sa kung paano ito gagawin sa Lesson 25: “Genesis 15–18, 21.” Upang matuto nang higit pa, tingnan ang “Ang Tagapagligtas ay Nagturo ng mga Katotohanang Humahantong sa Pagbabalik-loob at Nagpapalakas ng Pananampalataya” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 22).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Genesis 15–18, 21
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo at pagnilayan ang unang linya na matatagpuan sa Genesis 18:14: “Mayroon bang anumang bagay na napakahirap sa Panginoon?” Maaari ninyo silang hikayatin na isipin ang mga pagkakataon na nakita nilang naisagawa ng Panginoon ang tila mga imposibleng bagay sa mga banal na kasulatan, sa sarili nilang buhay, o sa buhay ng iba.
-
Nilalamang ipapakita: Mga sitwasyon sa simula ng lesson; mga tagubilin para sa mga aktibidad sa pagsusulat sa katapusan ng lesson
-
Mga Video: “Continue in Patience” (2:41; panoorin mula sa time code na 1:07 hanggang 1:55); “Good Things to Come” (4:55)
-
Handout: “Ang mga Pangako ng Panginoon kina Abraham at Sara”
Genesis 19
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maiwasan ang masasamang impluwensya sa kanilang buhay upang mas lubos nilang masunod ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga impluwensya sa kanilang buhay o mga tuksong kinakaharap nila na humahadlang sa kanila na sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sabihin sa kanila na isipin kung bakit kailangan nilang alisin ang mga balakid na ito sa kanilang buhay at kung paano nila ito magagawa.
-
Video: “Leave the Party” (6:26)
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa study journal sa katapusan ng lesson
Genesis 22
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal sa kanila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang isang banal na kasulatan na nalaman nila na tumutulong sa kanila na mahiwatigan at madama ang pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang ibahagi ito.
-
Mga Video: “Ang Pagmamahal ng Diyos” (19:43; panoorin mula sa time code na 9:33 hanggang 10:57); “God Loved Us, So He Sent His Son” (3:41)
-
Larawan: Si Abraham na isinasakripisyo si Isaac
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga katotohanang itinuro sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng doctrinal mastery passage na gusto nilang higit na maunawaan pa. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na pag-aralan ang passage, pagnilayan ang kahulugan nito, at isipin kung bakit mahalaga ang doktrinang itinuro.
-
Nilalamang ipapakita: Unang anim na doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan; mga tagubilin para sa aktibidad sa pag-aaral ng doctrinal mastery passage; sitwasyon tungkol kay Andy; mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at mga nauugnay na tanong
-
Mga Video: “Analyzing a Passage” (8:12); “Find Answers through Jesus” (1:04)
-
Mga Materyal: Mga papel at art material para makalikha ang mga estudyante ng polyeto o poster